Kinabukasan, pumasok ako ng maaga for training sa school namin. Since 6 am yung training time, nakarating ako dun ng mga ten minutes before 6. Hindi ko na ikinagulat na bukas na yung gym, anyway, pasimula na naman yung training at marami na ring players ang nandun for training. Ang ikinagulat ko e nakakumpol lahat ng teammates ko at mukhang may pinag-uusapan silang importante at matter of life and death.

'Anong nangyayari?' tanong ko. Dinumog ako ng mga sagot.
'A kasi si Alex Delan daw may girlfriend na, yung Koreana, si Jung Sun Jin?'
'Yun ba yung girlfriend niya? E di ba model yun sa Korea?'
'Anak yun nung CEO ng telecommunications ek ek sa Korea e... Ang ganda nga nun e. Nag-google search ako ng name nun before and you won't believe her magazine covers - '

Magazine covers? E ano nga naman bang hindi magazine-cover-worthy kay Jin? Simula sa balat ng talampakan nya hanggang sa mga buhok niya sa ulo e perpekto, maiiyak kang tignan siya dahil mukha siyang hulog ng langit.

Until she opens her mouth.

'Sus. Akala ko naman kung anong big deal yung pinag-uusapan nyo dyan at mukha kayong mga seryoso yun pala si Alex lang...'
I tried to keep my face straight nung sumagot siya. 'E pano kasi si Alex daw baliw na baliw pa run sa ex nya nung high school! Ewan ko ba pero kung ako yung ex niya e hindi ko na pakakawalan si Alex. Ang swerte naman nung girl na yun!'
'Ehehehehehe...' ngiti ko.
'Ang kapal naman ng mukha nung girl na yun! Ba't niya ba pinaasa si Alex? Kita mo hanggang ngayon hindi maka-move on yung tao - '

Ha?! Kanino ba nila nakukuha yung mga pang-chika minute nila? E mali-mali naman ang facts nung source nila e. Anong hindi maka-move on? E move on na move on na nga yun e. Katunayan, iniwan niya na nga ako e.

Meanwhile, tuloy-tuloy naman ang pagputak ng bibig ng mga tsismosa. 'Ang dapat dun sa babaing yun tinuturuan ng leksyon e! Ang landi, hanggang ngayon talagang binibitin pa rin si Alex, pinaglalaruan - '
'Oo nga, dapat pagsabihan natin yung girl na yun, kung sino man sya - '

Oops. Time to go.

Anyway, pagkatapos ng training namin e nagpunta na ako ng class ko, and then nagkita kami ni Matt.

'Hi Lia.'

Ki-niss niya ako sa cheeks. Wala lang.

Pero nagalit ako sa kanya. 'Matt, ano bang pinoproblema mo? Alam mo naman na busy ako with training tapos mag-tetext ka diyan ng ka-dramahan - '
'Kinakalimutan mo naman kasi ako e. Minsan nga naiisip ko kung na-mimiss mo ba ako.'

Tinitigan ko si Matt. As in, todo titig. Hindi ko napigilan yung thought na: 'Anong ginagawa ko with this person?' Ano nga bang ginagawa ko at nakipag-relasyon ako kay Matt? Ano bang iniisip ko?

'Sorry lang ha. Gusto ko kasing mag-focus sa training. Alam mo naman na big deal 'to sa kin kasi first tournament ko abroad e.'
'Kaya nga e. Sorry. I should have triend to understand you pala. You need it.'

So ayun. Na-resolve namin yung first tampuhan namin ni Matt. What's next?

MALAPIT NA PALA ANG SEA GAMES...