Ano nga bang meron kung

Sa pakiramdam mo ay parang may kulang?
Ano bang hinahanap

Kung sa tingin mong hindi ka kuntento?

May malaking butas sa aking dibdib

Hindi ko maintindihan

Bakit nga ba blangko

Bakit ba mababaw

At walang lalim ang bawat galaw

Ang bawat iniisip at sinasabi?

Maari ka bang malungkot nang hindi tiyak
Ang dahilan?
Nang hindi tiyak kung bakit nga ba nagkakaganoon

Para akong nakalutang sa kawalan

Naghihintay sa kung ano

Direksyon?
Iyon ba ang hinihintay ko?
Bakit hindi na sapat

Ang pag-ibig na sa akin

Ay dating pumupuno?
Tila unti-unting

Natutuyot ng araw

Nahuhugasan ng ulan

Nababago sa paglipas ng panahon.

Unti-unting lumilipas

Kumukupas

Gaya ng pintura sa aking dingding

Namumutla gaya ng labi kong

Dati nama'y simpula ng rosas

Sa harding ni minsa'y wala ako

Lumalaki ang butas

Dumidilim ang liwanag

Lumalayo ang isang abot kamay

Kulang

Ano?
Hindi ko alam

Hindi ko masagot

Sa sarili ko man

Hindi maunawaan

Napapagod

Nauubusan ng lakas

Ngunit ako'y nakatayo lamang

Sa gitna ng daan

May inaasahang dumating

Ano?
Alin?
Hindi masagot

Hindi.