a/n:

hahaha.. munting handog.. wala itong kinalaman sa pasko o sa bagong taon..

halata pa lang sa pamagat ng aking kuwento..

hahaha.. wala lang..

isa lamang itong simpleng likha.. para sa mga walang magawa riyan sa tabi-tabi..

masiyahan sana kayo sa aking sinulat.


Gulaman :)


Gutom na gutom na ako.

Rinig-rinig ko na ang aking sikmurang kumakalam, kumukulo...

At hindi nakatulong ang biglaang pananakit ng aking ulo.

Mas lalo naming hindi nakatulong ang pagiging sumpungin ng aking kaibigan ngayong mga araw na ito.

"Simple lang naman iyon, Jolens eh.. 'lam mo 'yun. Isang maliit na baso ng gulaman lang. Pipitong piso na lang, sulit ka pa!" pabiro kong sinabi, sabay siko sa tagiliran ni Jolina.

"Ay, bahala ka nga. Offense 'yun."

'Talaga lang, ha..'' bulong ko sa sarili at tuwang-tuwang iginulong ang aking mga mata sa pagiging masungit ng aking katabi.

'Wow! Kaya ko pala 'yun? Aliiiiiiiw!!'

"Hay, Drea.. ang BI mo! Presidente ka pa naman." patuloy niyang pangongonsensya sa 'kin.

Naku! Nakita niya ata ang pinaggagawa ko sa aking mata kanina.

Hehehehe..

"at pinagkakatiwalaan tayo ni Miss.." wika niya. "Nature walk ito, aking kaibigan. Hindi ito ang oras ng pagkain."

'Oo na. Sige na. Tama ka na. Mali na ako.' Sambit ko sa aking kaloob-looban.

Kunsabagay, may punto naman si Jolens, eh.

At mas matanda siya kaysa sa akin.

Isang buwan lang naman.

Ano ang kuneksyon nito sa aking kuwento?

Simple.

Ayaw na ayaw ko ang pagsuway sa aking mga nakakatanda. Hindi ko alam kung bakit. Pero napalaki na ako sa ganitong pamamaraan kaya naman naging paniniwala ko na ito.

Kung-kaya't heto ako ngayon, gutom na gutom, nakaupo sa isa sa mga mahahabang silya ng aming cafeteria, pinapanood ang aking matalik na kaibigan na magpatuloy sa tulang kaniyang isinusulat na tungkol sa naganap na 'Nature Walk' namin kanina.

Kanina ko pa natapos ang aking likhang kwento. Pero alanganamang iwan ko na lamang dito si Jolens, hindi ba?

Paano kaya kung bigla siyang madulas?

Paano kung bigla siyang makatapak ng langgam?

Kawawa naman ang langgam...

Paano kaya kung makagat siya ng bubuyog?

Paano kaya kung may chewing gum na aksidenteng naidikit sa kaniyang malagong buhok?

Sayang naman ang chewing gum...

Napatingin ako sa aking kaliwa nang maramdaman kong may biglang tumapik sa aking balikat.

Ngunit nang tiningnan ko naman ang direksyong iyon ay wala naman akong nakita kung 'di ang aking matalik na kaibigan na masigasig pa ring itinutuloy ang kaniyang obra.

Baka guni-guni ko lang 'yun.

'Haaay, ewan!'

Bumalik akong muli sa walang katuturan kong pagmumuni-muni.

At sa kasamaang palad ay naalala kong gutom na nga pala ako.

'Siguro kung pinayagan lang ako ng aking napakabait na kaibigan ay makakabili na ako ng pagkain..' simula ko.

Kung pinayagan man niya akong bumili, siguro..

Siguro namomroblema ako ngayon..

Nabmomroblema kasi hindi ko alam..

Hindi ko alam ang aking bibilhin.

Hmmmm..

Ano kaya ang aking uunahin?

Mag-Smokey's kaya ako? Kaso trenta na lang ang pera ko.. Hindi ito kasya.

Yung hotdog na lang kaya sa may tindahan ni Aling Nenita? Labing-limang piso lang 'yun. 'wag.. masyadong malayo 'yun mula sa aking inuupuan.. tinatamad ako..

Donut kaya? Pwede. Kaso nga lang..

Sumulyap ako sa may Mister Doughnut.

At tulad ng aking inaasahan..

Ubos na ang chocobutternut..

'tch.. 'wag na nga lang.'

Titiisin ko na nga lang ito. Kaya ko pa naman e.

Sana lang makayanan ko pa ito hanggang dismissal.

Tapos bibili ako.

Ano kaya ang magandang kombinasyon?

Lays kaya at Coke?

Squidballs at gulaman kaya?

E kung kikia--

Muli nanamang naputol ang aking pagbabalintataw nang naramdaman ko—pangalawang beses na sa araw na ito ang isang mahinhing pangagalabit sa aking balikat.

"Hn?" napalingon akong muli.

"Uy, pasensya na, ah.." mahinang bigkas ni Jolens, mga mata wari'y nakatitig pa rin sa isang buong papel na kaniyang sinusulatan.

"Ha?.." Napataas bigla ang aking kanang kilay. "Bakit?"

Namula ang magkabilang pisngi ng aking kaibigan.

"Ah.. eh.. kasi.. ubo.. Drea.. kanina.. yung mga nasabi ko... sori talaga.."

Alam ko naman nahihirapan siyang humingi ng tawad sa mga bagay-bagay. Pero 'di ko inaasahang hihingi siya ng tawad sa isang bagay na ganito lamang kasimple, kaliit.

Napatingin siya sa aking mga mata at napansin kong maluha-luha na si Jolina.

Kahit kailan talaga, oh...

"Ano?" napatungo ako. "'yung tungkol sa pagiging BI? Wala 'yun, ano!" patawa kong wika sabay akbay sa kanyang balikat. "Kahit lagi mo man akong sabihan ng ganoon, okay lang! Kaibigan kita eh. At alam ko namang nagbibiro ka lang naman eh.. hindi ba?" patawa kong sagot.

Lalong namula ang pisngi ng aking kaibigan.

"Aba! Oo! Siyempre naman! Ang bait mo nga kay Issa kanina, eh.. Ikaw ba naman yung kumopya nung napakahabang lyrics sa kanta natin sa Music." Nakangiti niyang sinabi. "Pero sigurado ka ba? Pakiramdam ko kasi andami ko nang kasalanan sa iyo e.."

Nabatukan ko ng mahina si Jolens at sabay kinutusan ang kaniyang ulo.

Iyon tipo bang ako ang kanyang nakatatandang kapatid at siya naman ang bunso.

Maniwala man kayo o hindi, malapit na doon ang turingan naming sa isa't-isa.

Kaya naman sanay na talaga ako sa mga ganitong klaseng eksena.

Napahalakhak ako. "Ano ka ba, Jolina Felicia.. Kahit umabot pa sa 'sanlibong—sabihin na nating isang milyon ang bilang ng mga atraso mo sa akin, okay na okay lang! Ikaw pa! Mahal na mahal ata kita!"

Maaring pabiro ko itong sinabi sa aking kaibigan.

Ngunit totoo naman ang mga binaggit kong mga salita at talaga namang galing ang mga ito sa puso.

Natanaw ko ang biglaang pagtulo ng isang luha mula sa mata ng aking kaibigan at bigla nalamang niya akong niyakap..

Nang mahigpit na tila ayaw na niya akong pakawalan..

Panandalian akong nawalan ng hininga at sa lagay na iyon ay naramadaman ko pa ang isang ngiting lumitaw sa aking mga labi.

Niyakap ko si Jolens nang mas mahigpit.

"Oof.. Drea.." Lumiit ang boses ng aking kaibigan.

Hindi ko alam kung namalikmata lang ako o kung talaga namang nagkaroon ng biglaang pamumutla sa kaniyang mukha.

Binitiwan ko agad si Jolina.

"Jolennie!! Okey ka lang ba?" Pag-alala'y bakas sa tono ng aking pananalita.

At isang ngiting mula sa puso na matagal ko nang inaasam makita ngayong linggo ang aking natanaw sa kanyang mga labi.

"Hehehe.. Siyempre naman! Ako pa!"

Pinisil ko ang kaliwang pisngi ng aking kaibigan.

"Aray! Andrea naman, eh!!" tili niya, sabay simangot at hawak sa kanyang namumulang pisngi.

Natawa ako sa kaniyang istura nang ginawa niya iyon.

"Ang kyut mo talaga!" sabi ko.

"Mana sa'yo eh!! Hahahaha.." tawa niya.

At sa isang beses sa buong hapon na iyon ay napuno ang aming cafeteria ng masayang pagtatawanan at pagkukulitan ng dalawa sa pinakamatalik na magkaibigan sa buong mundo.

"Drea?.." iwinika ng aking kaibagan nang siya'y tumayo sa kanyang kinauupuan at inalok ako ng isang kamay.

"Ano 'yun?" bigkas ko at sabay tinanggap ang kamay na inaalok ni Jolina.

Hinila niya ako pataas at nakatayo na ako ngayon.

"Halika na. Tapos na ako." Sabi niya at sinimulang lumakad palayo.

"Ahh." Sinundan ko siya sa paglalakad.

Bigla siyang napatigil.

"Drea?"

"Bakit?" ulit ko.

"Mamayang uwian.. Pangako. Ililibre kita ng gulaman."


-.- cynicaL.bLiss :)