Tatlong Dipa

Tatlong dipang pagitan mula sa aking mundo

Nakatindig ang diwa ng minimithi ko

Hangang tingin nalang sa langit ng pangarap

Ang maaabot ng aking pagtanging masaklap.

Tatlong dipang pagitan mula sa iniisip

Iyong mata't ngiti namukadkad na sa'king inip

Sa pagsayaw ng pluma sa papel na marikit

Sinasalaysay ang prosang pangambang tahimik.

Maaari bang ika'y masulyapan ng saglit?
At sa sandali ang tinig mo'y makapiling sa awit?

Sapagkat kahit tatlong dipa lamang

Ang pagitan natin ay isang kalawakan.