Hindi Na

Akala mo lang na hindi kita malilimutan
Ngunit nagkakamali ka
Kakayanin ko and nadarama
Hintayin mo lang

Hindi mo na ako mapapasunod
Sa mga kagustuhan mo
Kaya ko nang makatayo sa sarili kong mga paa
Hindi na kita kailangan pa
Kaya umalis ka na

Chorus:
Palayain mo na ako
Kahit umiibig parin ako sa'yo
Hindi na ako magpapakagago
Pagod na ako sa pagkakamartyr para lang sa'yo
Limutan na natin ang nangyari
Ito'y para rin sa atin

Alam kong sinabi natin na walang iwanan kahit kailan
Ngunit ikaw nama'y ako'y iniwan na
Papaano pa kaya mapapatunayan na tunay ngang nawala na?

Hindi na natin kakayanin
Hindi na
Wala nang magagawa pa

Chorus

Subukan mo lang akong habulin
Bigla akong mawawala
Hindi ko na 'to makakaya
Kailangan ko rin ng pahinga
Tama na

Chorus