Walang Iwanan

Sabihin mo sa akin
Kung ayaw mo na
Maiintindihan ko naman
Kung iyan ang nararamdaman
Basta't sa akin lang
Ay 'wag mo kong susungalingan

Akala mo ba'y ako'y magagalit sa'yo?
'Wag kang mag-alala at naiintindihan ko

Chorus:
Magkahawak kamay kahit ano pa'ng mangyari
Nandito lang ako sa 'yong tabi
At kahit na wala na
Ay nandito pa rin para lang sa'yo

Sabihin mo sa akin
Kung may problema ka
Tutulungan kita
Hanggang sa makakayanan
Basta't sa akin lang
Ay 'wag mo kong iiwanan

Akala mo bang bigla nalang magbabago
'Wag kang mag-alala at nandito parin ako
Para sa'yo

Chorus

Basta't sa akin lang
Ay pwede bang walang iwanan?