nawala lahat ng bagay

hindi ko na narinig ang ingay

Ang tawa ng bata sa kabilang bahay

Ang ingit ng pinto sa baba

Wala akong ibang naririnig

Kundi

Ang mabigat
Na pagtibok ng puso ko

Parang dumadagundong sa lakas

Mabagal ngunit madiin ang pagbagsak

Wala na siya
Wala na siya

Unay bumubulong sa utak ko

Wala na siya !
Wala na siya !

Sa huliy sinisigaw na ng puso ko.

Tila isang salaming nabasag

Biglang nabitawan

Biglang natapos ang lahat

Ngunit wala ng luhang
Pumapatak

Huling iyak
nung huling narinig ko
Ang tinig niyang
sing tahimik ng dagat

walang pag-aalinlangan

at akoy parang alon
na humampas sa bato.

wala na nga ang ingay

ang pag-aalala ko

malinaw na ang lahat

nakapili na ang langit

at ngayon bubuhos ang ulan

bababa ako sa dyip
walang dalang payong

mababasa

nababasa