Natahimik ka at tumalikod,

Napatingin sa malayo

At di mo na napansin

Ang pagpatak ng luha.

Labis kang nasaktan.

Hindi maipaliwanag

Ang pait na nararamdaman.

Pinag-isipan mo ang lahat,

Ang bawat salitang iyong binitawan.

Binuhos ang lahat ng tapang.

Sa kabila ng kabang

Bumabagabag sa kalooban.

Hindi na mapipigilan.

"ngayon na" ang sabi mo.

"sasabihin ko na"

ngunit ika'y nabigo.

ngayo'y wala kang kibo.

walang imik.