Narinig mong muli ang kanyang tinig

At naalala ang kanyang ngiti

Ang paggalaw ng kanyang labi

Sa bawat pagbukas ng bibig

Wala man ngayon sa 'yong harapan

Ngunit ang kanyang mga mata'y natatanaw

At nasisilayan ang mukha niyang

Higit na gumaganda sa bawat pagdampi ng hangin

Naisip muli

Naisip muli

Ang lihim na pinakatatago

Naisin mang ibolong

Isigaw

Sabihin

Hindi magawa

Ang lihim na itinago sa loob ng puso

Na sa bawat pagpintig

Sa bawat paghinga

Umiibig ka sa kanya