Hmmm... me and my masochistic tendencies, i-review po sana:D

Personal Punching Bag

Pinili kong maging personal mong punching bag

Bawat dapo sa balat, maluwag kong tinatanggap

bawat galit mo'y ibuhos sa bawat pagdapo, pagsalat

Ito'y aking ligaya dahil susunod ang 'yong yakap

Walang lila o asul na kukulay sa'king balat

Ngunit wala nang hahapdi sa mga iniiwan mong pilat

ang luha na dumaloy sa dapat dalan ng dugo

ay tamis, pananda ng kahit panandaliang oras mo

sa akin, ang 'yong personal na punching bag

na 'yo nang nasasaktan kahit di mo pa nalalaman

at tulad ng lagi, bawat suntok mo sa'kin palayo,

ako'y kusang nagbabalik, maslalapit sa'yo

Kakatwa't ako'y dumuduyan, gumegewang, umiikot,

habang nakatali sa mga rehas na di mo alam ay 'yong suot

at nasasaktan mo na'y kusang bihag mo parin

Pag-iral ko'ng bawat bugso mo... 'to'y langit ko na rin.