Habang ako'y tulog

Habang ako'y tulog
Gumagapang sa isip
Dahan dahan
Unti-unti
Bumabalot
Di alintana ang dilim
Habang ako'y tulog
Gumagapang sa aking panaginip
Naroon sa likod ng aking isip
Ang aninong puti
Dahan dahan
Unti-unti
Bumabalot
Sa tahimik na gabi
Sa mahimbing kong pagtulog
Naroon ang anino
Ang mga mata niya
Ang tingin niyang
Hindi ko maipaliwanag
Ang mukha niyang laging hinahanap
Aninong sa aki'y bumabalot
Nagpapabilis ng pagkabog ng dibdib
--sa unang pagkikita
--ang malaman na nariyan siya
Aninong bumabalot
Kumukubli sa isip
Kinukulong ang puso
Iwasan man
Hinahanap
Hinahanap hanap
Ng mga matang tahimik
Walang imik
Isang pagkakamali
Isang maling pagtingin.