Bongga!

(mga kabalbalan ni LittleLoser)

**

Kung ang mga bansa ay magpaparamihan ng new words na nabubuo sa loob ng 24 oras, malamang top notcher ang Pilipinas.

Hindi ko alam kung mga friends nating juding ang utak sa likod ng pagpapauso nito, pero halatang ang 85 percent ng lahat ng mga iyon ay galing sa kanila. Makikita nyo ngayon ang listahan ng mga patok na words na gawa-gawa lang, due to necessity. Kung ano yung necessity na 'yon, wag nyo na akong tanungin. Let's start the ball rolling!

**

Bongga!- kasama ng walang katapusan mga variation na nabubuo galing dito araw-araw, masasabi kong Bongga! ang colloquial term na pinakasikat ngayon. Isa pa, pwede rin itong gamitin ng mga tigasin nating friends na guys. Variations: Sosyal, choosy, bonggacious(i-review nyo na lang yung comment nyo tungkol sa spelling ha!), etc...

Ex.

Kuya Cai: Ui Bacani, ang porma ng t-shirt mo ah! San galing 'yan?

Bacani: Dyan lang sa sampayan ninakaw ko...wait, pare type ko yang sapatos mo, bongga yung kulay, magkano yan?

Kuya Cai: sa tabi-tabi...

Astig- sigurado akong kahit 48 months na bata alam ang term na 'to. And most likely, pauso ito ng mga astigin na boys. Dating pa lang may ilalaban na. At ayon sa konting research na ginawa ko, nabuo ang word na 'to two decades ago, noong 80's nauso yon, noong panahon na nauso din ang mga kanta ni Michael Jackson at pinanganak ang unang anak ni Prince Charles at Princess Diana na si Prince William. Variation: Astigin...

Ex.

Guy 1: Pare ang lupet, sobrang sexy nung babae...

Guy 2: Oo nga no, Astiiiiiiiig!

Adik- hindi ko alam kung ang gumawa nito ay mabait at gustong pagaanin ang image ng mga totoong user. Kung tama ang pagkakaalala ko, mga 2004 or 2005 ito nauso. Ang meaning nito, kung hindi ka baliw, eh medyo hindi lang agree sa'yo ang taong nagsasabi sa'yo nito. Actually, pwede namang ikabit talaga ito sa kahit anong sentence, pwede mo rin itong gawing mura(profanity), pero mas astig kung ganito mo s'ya gagamitin:

Ex.

Ako: maganda ba? Mukhang ewan na ipis lang 'tong design ko eh...

Janeth: Sus, anong panget? Adik ka ba? Ang ganda kaya!

Rising star

Kamakailan lang eh may nabuong bagong word na nauso sa room namin.

* Yesterday! *

ito ay isang word na nabuo dahil sa excitement ng isa kong classmate ngayong Fourth year na itago na lamang natin sa pangalang Cean Lumbaca. Nagmula ito sa isang simpleng expression na Yes!, tapos biglang nadugtungan ng 'terday'. Yon ang naging simula ng pagkakaroon ng bagong meaning ng salitang yesterday.

Ex.

xoxo_Balili: Ui Cean perfect ka kamo sa Monthly test naten sa Accounting!

Cean: talaga!! Yes!...terday!

**

A/N: Part one pa lang po 'yan ng list. Kung hindi ko sana naiwala yung scratch paper na pinagsulatang ko ng draft nito, hindi sana 'to ganito kaikli. Wish ko sana mag-review yung mga classmates ko dito.

Disclaimer: Hindi ako humingi ng permiso sa mga pangalang binaggit ko dito. Ang anuman sa mga nakasulat dito ay hindi ko kinakitaan ng pera. Ok lang po ang FLAMES, basta signed at hindi anonymous review, para pwede ko kayong ma-contact if something is wrong with my essay.

07-23-09

LittleLoser