This the most morbid story I wrote so far. I'm super depressed when I wrote this. But I enjoyed writing it. Writing is very therapeutic.

---

Dennis Baliw!

Sa isang bahay, mayroong kasiyahang nagaganap, para sa mga taong mahilig sa mga taong may kalungkutan. Handa na ang kanilang mga cellphone na may camera.'yung iba may video cam pa. May mga kumakain at matiyagang naghihintay. Lahat sila, nasasabik panoorin ang live act ng pagtitiwakal ng mga taong may Hazel, Boy Carlo at Sheena, sila ang mga artista sa palabas. Nagtipon-tipon Kahit hindi magkakakilala. Lahat may isang kagustuhan, ang tuluyan ng mawala sa mundong kay lupit.

Nagsimula raw ito kay Carlo, dalawampu't limang taong gulang at siyang may- ari ng magandang isang website,tahasan niyangipinahayag ang kaniyang pangarapna mamatay ng may tumugon sa kaniyang panawagan. Ang iba'y nainis, mayroon ding naaawa. Tinangka pa ng iba na pigilan semenarista ang nagsabing mag- pare na lang siya. Kilalanin niya ang Maykapal. Siguradong matutuwa at gagaan angkalooban niya. Ngunit ang isipan ni Carlo ay hindi nabago. Dahil mas nahalina siya sa mga taong nagseryoso sa kaniya. At sila na nga sina Hazel, Boy at Sheena, mga sira-ulong tulad niya.

Ang bawat isa sa kanila ay may mga pangarap sa kanilang kamatayan. Kung si Carlo, gusto lang ng kasama. Si Boy naman gusto ng manonood. Gusto raw niyang maging performer bago man lang siya mamatay. Kung maaari lang daw, kasama pa ang mga magulang niya sa mga sila raw ang totoong may kagustuhan na gawin niya ito.

Si Hazel naman, simple lang ang nais. Maglaslas ng pulso tapos makinig sa mga paborito niyang musika, lalo na iyong mga kantang magpapaalala ng masasayang sandali niya sa Sheena gusto raw niyang mamatay sa napakalamig na lugar. Iyong matabunan ng yelo at manigas sa ilalim nito. Nakuha niya raw ang ideyang iyon sa nabasa niyang libro tungkol sa mga taong umakyat sa Mt. Everest. Ang sobrang lamig, nakakapatay ng brain cells ng unti- unti .Unti- unti ka ring makakalimot hangggang sa hindi mo na alam kung paano maglakad. Hanggang sa hindi mo na rin maalala pati ang sarili mong pangalan. At iyon ang gusto niya, ang malimutan ang lahat at maramdaman na malinis siya ulit, bumalik sa pagkabata na tanga at walang alam.

Bumalik naman tayo kay Carlo na gusto ng may kadamay. Bukod doon, gusto niya ng mabilisang kamatayan. Iyong wala ng sakit, basta patay naisip niyang magbaril na lang sa utak o kaya sa puso. Pero ayaw niya raw na sumabog ang ulo niya kaya sa puso na lang daw. Ay ewan ang aarte nila!

Para paghandaan ang araw na ito, nag-shopping pa sila at kumuha ng mga litrato habang namimili. Una nilang binili ay mga damit na susuotin nila. Napagkasunduan nila Boy at Carlo na mag-Aamerikana raw sila. Si Boy kasi, hindi pa raw siya nakakapagsuot ng ganoon kaya iyon na lang daw. Si Hazel, ayaw ng bagong damit. May susuotin na raw siya. Si Sheena naman isang kakaibang damit ang gusto. Nagpabili siya ng isang itim na bestida na hanggang tuhod lang ang haba at mga samu't saring itim at puting tela pa ang binili niya. Magtatahi raw siya.

May isang larawan doon na nakangiti si Boy habang nakapalibot sa leeg ang isang makapal na lubid. Ano kaya ang naging reaksiyon ng mga taong namimili rin sa lugar na iyon ng magpakuha ng ganoong litrato si Boy? Si Sheena na gustong mamatay sa Mt. Everest, may litrato rin na nakahiga siya sa loob ng isang malaking freezer. Ito 'yung freezer na karaniwang ginagamit para tumigas ang mga delatang sorbetes. Nakangiti siya at naka- anyong "peace" ang isang kamay. Siguro banas na banas ang nagtitinda ng freezer sa kanila.

Isang huling litrato, nakangiti silang lahat habang kumakain sa isang restawran. Kung titingnan para silang masayang barkada. Noong nakita ko iyon, naisip ko na baka nga tadhana na talaga nilang magsama-sama.

Hanggang sa dumating na nga ang araw na ito. Nandito na sila sa aming harapan. Tinitigan ko silang mabuti. Nilalasap ko ang bawat sandaling nakikita ko silang gumagalaw at kapag patay na sila, siguradong paulit-ulit kong sasabihin sa sarili ko na "Parang kailan lang, gumagalaw pa sila, nakatawa o ngumingiti pero ngayon wala na. Parang kailan lang."

Wala namang masyadong nabago sa damit ni Sheena. Nilagyan niya lang ng maliit na ribbon ang leeg niya tapos nilapatan ang palibot ng baywang ng tela. Mukhang naging kimono ang bestida. Bagamat halatang gusto niyang itago ang kaniyang bilbil, hindi siya nagtagumpay. Lalo nga siyang tumaba sa suot niyang damit.

Pumasok siya sa loob ng freezer na kanina pa nagyeyelo. Nilagyan pa ni Carlo ng tabla ang ibabaw ng freezer para wala na talagang kawala si Sheena kung sakaling magbago ang isip ako kung ano nang nangyayari sa kaniya. Baka magikera pala siya. Mamaya makita na lang namin siya na nasa labas na pala siya ng bahay.

Inumpisahan nang laslasin ni Hazel ang sarili niyang pulso. Paulit-ulit niya hiniwa ang balat para siguradong malalim. Hindi pa siya nakuntento. Nilalaslas niya na rin ang isa pa niyang pulso. Parang galit na galit siya sa sarili. Parang ako pa ang nasasaktan sa mga ginagawa niya. Iyong isang babaeng katabi ko ay umiiyak na at gusto nang lumabas. Ako naman, bagamat naaaliw, gusto kong pigilan si Hazel sa ginagawa niya. Sa kanilang apat, siya lang talaga ang ayaw kong mamatay. Ang ganda niya kasi. Nanghihinayang ako.

Ang totoo bago ako pumunta rito, iniisip ko na pipigilan ko siya. Bigla ko siyang hihilahin at tatakbo kami palayo sa lugar na ito. Kaso sa bilis ng pangyayari, hindi ko na saka sa panggigil pa lang ni Hazel na laslasin ang kaniyang pulso, parang ipinamukha na niya na wala siyang balak na sumama sa na sa kuwarto ang isang klasikong musika. Canon in D raw ang tawag doon. Napakasaya ng tugtog nito.

Ngumiti na si Hazel habang nakahiga sa isang kama. Nakabukas ang kaniyang bisig. Siguro, pakiramdam niya, lumulutang na siya sa ulap. Tila nakalma rin ang puso ko.

Handa na rin si Boy. Nakayakap na ang lubid sa kaniyang leeg. Nang sa wakas ay tumalon na siya, nagsigawan ang lahat. Pero lumapag pa rin ang paa niya sa upuan tapos tumawa. Maloko talaga. Nakuha pang magbiro. Ngunit sa lahat ng manonood, alam kong may dalawang tao lamang ang hindi makakayang tawanan ang biro niya. Sila'y walang iba kung hindi ang nanay at tatay niya. Naroon sila sa likod, nakatali ng lubid at may tapal ang bibig. Dinukot ni Boy, sa tulong ni Carlo, ang sarili niyang mga magulang kagabi para matupad ang gusto niya. "Ma Pa, mauna na ako sa inyo ha", sumaludo muna siya sabay talon.

Hawak na ni Carlo ang baril. Pero ang nakatawag ng aming pansin ay ang dala niyang transparent na bag na puno ng tig-iisang libong perang papel.

"Maraming Salamat sa pagpunta niyo rito. At dahil sa inyong kabaitan, sa inyo na ang perang ito oras na mamatay ako!"."

At itinutok na niya ang baril sa kaliwang dibdib niya. Pumikit na ang karamihan. Ako naman, nakatutok na sa transparent na bag. Oras na pumutok na ang gatilyo, paagawan na ang labanan.

"Bang!", bumagsak na si Carlo. Nagsitakbuhan na ang gahaman sa pera. Masaya na sana kung hindi biglang umalingawngaw ang ilang serena. Bumukas ang pinto at mula rito pumasok na ang napakaraming pulis.

Tinutukan nila kami ng baril. Huwag daw kaming gagalaw sa kinalalagyan namin. Kinuha rin nila ang transparent na bag. Kaya ang mga pera, naging transparent na rin.

Narinig ko pa ang hininga niyang tila galing sa ilalim ng lupa. Nakadilat siya! Nakita kong nakadilat pa siya! Ang kaniyang mga mata'y sumasalamin ng pagmamakaawa. " Ang tanga ko! Barili niyo na ako! Hindi ko na kaya! Napakasakit! Patayin niyo na ako!"

"Itong isa, humihinga pa."

Binuksan ng tatlong pulis ang freezer at mula rito ay pinagtulong- tulungan nilang ilabas si Sheena na namuti na dahil sa yelong bumabalot sa katawan niya.

Pinakawalan din mga pulis ang mga magulang ni Boy. Humagulgol ang kaniyang ina samantalang tahimik lang ang ama. Malalim ang kaniyang iniisip.

Hinuli kami ng mga pulis. Pagkatapos kong ihayag ang aking salaysay at ibigay ang mga litratong nakuha ko, pinauwi naman nila ako.

Inabutan kong nanonood si nanay ng balita sa telebisyon. "Grabe naman! Bakit naman nagpakamatay. Ang bata-bata pa!" reaksiyon ni nanay.

"Uy ikaw Dennis, kapag may problema ka, magsabi ka sa akin. Huwag kang magpapakamatay", baling naman niya sa akin.

"Kahit kailan hindi ko gagawin iyon. Mga baliw lang ang gagawa no'n", wika ko.

"Grabe naman! Marami pang nanonood sa mga nagpapakamatay. Nakuha pang picturan ang nagbigti. Mas baliw yata ang mga ito e. Ano ba iyan? Tingnan mo Dennis o, ang dami!"

Naku po! Makapasok na nga sa kuwarto!

"Oi, Dennis! Parang may kamuk....E teka! Ikaw to ah!"

Shet!

Dennis Castillo, labing pitong taong gulang, nagtatago.

---wakas.

---

Well that's it! Please review. I would really like to know what you think about this story.