Ang Bula

Akala ko okay lang siya. Makailang beses na ako nalinlang ng mga ngiti at masasayang sinasabi niya. Pero nabalitaan ko na lang na tinangka niyang wakasan ang buhay niya nang sa sandaling pinayagan ko siyang umalis.

Bilang isang ina, masakit para sa akin na malaman ang mga bagay na ito. Gusto ko malaman kung ano ba ang pinagdadaanan niya. Pero sa mga oras na nagiging matapang ako para tanungin at harapin kung ano mang sumbat ang sasabihin niya, pilit niya akong inilalayo sapamamagitan ng pagpapakitang napakasaya niya.

Ngayon, sa muli kong pagtatangka, ganiyan na naman siya.

" Sheena, pakiusap sumbatan mo na ako. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo."

Ngunit binigyan niya ako ng kakaibang ekspresyon. Nakamulagat ang mga mata at nakakunot ang -taka siya na para bang ako pa ang hindi niya maintindihan. Lalo akong nagiging desperado.

" Wala naman…", natatawa pa niyang wika. "Anong problema mo Mama? Nakakain ka na ba? Sa pagod mo kung anu ano na ang naiisip mo."

"Nagpakamatay ka at sa harap pa ng maraming tao. Bakit?"

Sinabihan ako ng doctor na huwag ko siyang tanungin ng ganito. Hayaan raw siya na magwala, manigaw at umiyak sa harap ko. Ngunit imbes na gawin niya iyon, niyakap niya ako.

"Mama naman…Hindi ko binalak iyon. Akala ko kasi palabas lang iyong gagawin namin nila Kuya Carlo. Hindi ko alam na seryoso sila sa pagpapakamaatay. Pero ako Ma, hindi. Huwag ka ng mag-alala okay."

Ganitong-ganito siya bago niya tinangkang magpakamatay, malambing at mahinahon. Ngunit alam kong nagsisinungaling siya. Natatakot ako.

" MA, puwede ba huwag na nating pag-usapan iyang tungkol sa suicide suicide na 'yan. Kung alam ko lang na wala pa lang balak buksan nila Kuya Carlo ang freezer, hindi na sana ako pumasok. Tuwing naalala ko ang pagkakulong ko sa freezer, kinikilabutan ko katapusan ko na."

Umiyak na ako. Mahal ko ang anak ko pero pilit niyang inilalayo ang puso niya sa akin.

"HUwag ka naman ganiyan, Ma." At pinahid niya ng tissue ang aking luha. "Maniwala ka sa akin, wala lang talaga iyon. At saka may favor sana ako sa iyo. Gusto ko sana maranasang maging independent. Huwag kang mag-alala. Magtatrabaho ako. Hindi ako hihingi ng pera. Pumayag ka na please…" Pinagdikit pa niya ang kaniyang mga palad na tila nagdadasal. Para bang nais niya na pakawalan ko siya at hayaan nang wakasan niya ang sariling buhay.

"At ano? Magpapakamatay ka ulit? Magbibigti? Maglalaslas ng pulso? Hindi kita hahayaan sa gusto mo."

"Ha? Ano ako sira? Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay ko."

Hindi ko na siya kayang pakinggan. Lumabas ako ng kuwarto. Ginagawa niya na akong tanga ng harap-harapan. Pero hindi ko siya hahayaang ko ko siya.

Sa di kalayuan, nakita kong papalapit sa akin si Dr. Mendez. Siya ang psychiatrist na pinadala ng gobyerno para tumingin sa anak ko. Malayo pa lamang siya ay tanaw ko na sa kaniyang mga mata na may importante siyang sasabihin sa akin. Agad kong pinahid ang aking mga luha.

"Mrs. Santos, may kilala po ba kayong Lazulie ang pangalan?", pamungad na tanong ng doktor.

Lazulie. Ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyon. "Wala po, bakit?"

" Noong kinakausap ko ang anak niyo, ayaw niyang tawagin ko siyang Sheena. Lazulie raw ang pangalan niya. Patay na raw si Sheena."

Kinilabutan ako sa sinabi ng doktor. " Anong ibig niyong sabihin? Sinasaniban ang anak ko ng isang espiritu?"

"Hindi naman po ganoon. Malaki po ang posibilidad na gawa-gawa lamang ito ni Sheena para iwasan ako. Subalit may mga bagay na labis na nagpapabagabag sa kilala po ba kayo o kamag-anak na nakatira sa Japan?"

"Hapon? Wala po. Ni wala nga po sa pamilya namin ang nakakapunta sa bansang iyan. Napaka imposible po."

" Iniwan raw siya ng mga magulang niyang Hapon dito sa Pilipinas. Kayo raw ang umampon sa kaniya. Dati raw salitang Hapon lang ang alam niya hanggang sa unti-unti siyang natutong mag-Tagalog. Sinubukan ko kung nagsasabi siya ng totoo. Ipinakausap ko siya sa kaibigan kong doctor na marunong mag Hapon. At sinabi po niya na mas magaling pang magsalita ang anak niyo ng salitang iyon. Maging sa pagsusulat ng salitang iyon, magaling rin ang anak niyo." At kumuha ang doktor ng isang puting papel na nasa bulsa ng kaniyang hawak ng papel na iyon ay punong puno ng sulat na pang Intsik. "Sinulat lahat ito ng anak niyo" bigla niyang sinabi na nagpagimbal sa aking isipan.

"Maaring natutunan niya ito sa kung saan, lumaki po si Sheena sa bahay ko. Nakatira po kami sa skwater's area dati. Salitang bading at Kalye lang po ang alam ng mga kapitbahay ko noon. Maaring sa eskwelahan po pero sinasabi ko sa inyo doctor, kahit minsan hindi ko narinig na nagsalita ng Hapon ang anak ko. At paanong magiging anak siya ng ibang tao? Tingnan niyo po ang hitsura niya. Walang bahid ng kung anong ibang lahi. Nagsisinungaling ang anak ko. Ayaw niya lang sumagot ng mga tanong." Walang preno kong sinabi sa doctor.

"Naiintindihan ko po ang nararamdaman niyo. Patuloy ko pa rin pagaaralan ang kaso ni Sheena. Kamusta po ang pakikitungo niya sa inyo? Base sa reaksiyon niyo, hindi pa siya nagpapakilalang Lazulie."

"Hindi. Ganoon pa rin siya. Laging nakangiti at naglalambing. Pero ayaw niya pa rin sabihin sa akin ang mga problema niya. Ni ayaw niya ngang aminin na tinangka niyang magpakamatay. Hindi ko na po alam ang gagawin ko." At ang naramdaman ko na ang mga butil ng luha ay handa na namang kumawala.

"Huwag po kayong susuko." wika ng kaniyang mga mata, kahit sa likod ng salamin, ay kinakitaan ko ng sinseridad. Hindi nagtagal ay nagpaalam na siya.

Hindi ako umalis sa upuan. Tumingala ako at pumingit. Gusto kong magpahinga. Huwag isipin ang anak kong si Sheena. Pero hindi ko magawa.

Naalala ko noong bata pa si Sheena, madalas niyang sabihin sa akin ang pangarap niya. Gusto niyang magtapos ng pag-aaral at magpapatayo raw siya ng bahay. At nakita ko ang dedikasyon niya para matupad iyon habang lumalaki siya. Lagi siyang may honor kapag magtatapos na ang klase. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ako ng isang bagay na maipagmamalaki. Ako kasi, wala na talaga e. Nag-asawa ako ng maaga, sa panahong hindi pa ako handa. Nagkaanak ako tapos nagkasunod-sunod na. Namatay ang mga magulang ko na hindi ko man lang sila napapasaya. Mabuti na lang hindi lang ako ang anak nila. Dahil kung hindi, kung ako lang, napakalungkot.

Kaya nga dahil kay Sheena, naging mayabang talaga ako. Pakiramdam ko, isa akong magaling na ina. Sa mga kapitbahay, sa kamag-anak, kahit sinong makausap ko, lagi kong ipinapakilala si Sheena. Sa abot ng aking makakaya, ibinibili ko siya ng ng mga bagong damit, sapatos, at gamit sa eskuwela. Kung ganoon ang kahulugan ng paboritismo, oo, inaamin ko na. Iyon ang malaki kong kasalanan, At sa tingin ko doon nag-ugat ang lahat.

Hindi ko namalayan na nasasaktan ko na ng labis ang iba ko pang anak lalo na si Sofia, ang pangalawa kong siyang tahimik at napakamahiyain. Bigla na lang siyang iiyak ng walang dahilan. Kapag inilagay mo siya sa isang lugar, doon siya sa sulok pupunta. Kung anong bibo ng ate niya, siyang kabaligtaran ni Sofia. Minsan nga hindi ko namamalayan na nasa tabi ko siya o kaya, wala na pala siya.

Ngunit nagbago ang lahat nang minsan lumapit sa akin si Sheena na napakalungkot. May bagsak daw siyang subject. Nasa unang taon siya ng kolehiyo noon. Nagalit ako noong araw na iyon. Unang-una scholar siya at natakot ako na kapag mawala iyon, hindi na naming siya mapag-aaral. Iyon nga ba ang dahilan? O natakot lang ako sa sasabihin ng mga kapitbahay, kamag-anak at iba pang taong pinagyabangan ko na magaling akong ina. Nang gumuho ang mundo niya, kasabay niyon na gumuho ang akin. Mas inisip ko iyon kaysa sa sakit na nararamdaman niya.

Nakapg-aral naman siya ulit at pansin ko na marahil na pressure siya sa mga nangyari. Inuumaga siya sa pag-aaral. Nakakalimutan na niyang kumain. Hindi naman siya ganoon. Relax lang naman siya dati.

Sa pagkakataong iyon, napansin ko ang malaking pagbabago kay Sofia. Hindi na siya tulad ng dati na masyadong tahimik at na siya kung mag-ayos at manamit. Hilig na niya magsuot ng mga paldang maiikli o kaya mga pang –itaas na kita na ang dibdib. Ginagabi na rin siya sa pag-uwi. Kung nasa bahay naman siya, text lang ng text o kaya lagi na lang may kausap sa telepono. Natakot ako para sa kaniya. Parang nakita ko ang sarili ko noong kasing edad ko siya. Kaya hangga't hindi pa nangyayari ang kinatatakutan ko, agad ko na siyang sinabihan.

"Mama, wala akong ginagawang masama. Hindi ako nakikipag boyfriend. Huwag niyo akong itulad sa iba diyan. Basta Mama, may ginagawa ako na ikagugulat mo na lang okay… Sige tulog na ako. I'm so tired."

Iyon na yata ag pinakamahabang sinabi niya sa akin. Ngunit nasaktan ako sa sinabi niyang "huwag siyang itulad sa iba diyan". Natamaan ako. Kaya hindi na ako nakapagsalita. Nauulit ang mga pangyayari. Noong gabing iyon, umiyak ako para sa mga anak ko.

Ngunit isang araw nasa sala kaming lahat at nanonood ng t.v. Isang bagong komersiyal ang nagpagulat sa aming lahat. Si Sofia, endorser ng isang cologne. Nabuhayan ako ng loob at sa pagkakataong iyon, sa katauhan naman ng isa ko pang anak.

Sumali pa si Sofia sa isang sikat na singing contest. Kahit kaya niya ng mag-isa, lagi niya akong sinasama para suportahan siya. Labis ko itong ikinatuwa. Sa tuwing kakanta siya, lagi niya ako niyayakap para lumakas ang kaniyang loob.

Naiinis ako dahil, pinagdudahan ko siya. Pangalawa, dahil hindi ko man lang alam na napakagaling palang kumanta ng anak ko. Sa tuwing nanonoood ako sa kniya, nalulula ako. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na " Anak ko ba ito? Grabe…" makailang beses akong naiyak sa tuwa. Kaya nga gusto kong bumawi kay Sofia. Hindi ako nagdadalawang isip na samahan siya kapag hiningi niya ang suporta ko. Dahil sa kniya, natupad ang pangarap kong maglakbay sa iba't ibang lugar. Nakita ko ng personal ang mga sikat na tao.

Sumikat si Sofia kahit hindi siya ang pinakananalo sa paligsahan. Dumami ang mga offer niya sa mga komersiyal, pelikula at programa sa t.v. Nakabili kami ng bahay sa subdivision at sariling dyip na pampasada para sa asawa ko. Inilipat ko ang mga nakakabata ko pang mga anak sa pribadong paaralan. Sa wakas, hindi ko na kailangang magtiis sa masikip na bahay na iyon na lagi na lamang binabaha kapag umuulan. At kay sarap iwan ang mga kapatid ng asawa ko na kasama naming nakatira sa bahay na iyon. Tapos na ang maraming taong pakikisama at paninilbihan sa kanila na tila isang katulong. Parang isang panaginip.

Sa pagkakataong iyon, naulit ko na naman ang dati kong pagkakamali. Sinabi ko na dapat

Magbigay ako ng pantay na oras sa mga anak ko. Pero hindi ko kayang hatiin ang atensiyon ko. Madalas iniiwan ko ang ibang anak ko sa mga kamag-anak. Ang asawa ko, sanay naman iyon. Wala na iyon inisip kung hindi ang dyip, kalsada at panonood ng basketball.

Kadalasan hindi ko na nakikita si Sheena. Minsan nga umabot na ng isang buwan na hindi ko man lang naaabutan kahit anino niya. Nagulat na lamang ako na ang laki ng itinaba ng katawan niya. Galing siya sa eskwelahan noon. Lukot ang kaniyang uniporme. Iyong buhok na dati'y lagpas balikat ay haggang leeg na lamang. Mukhang hahabulin na rin ito ng suklay sa sobrang gulo. Bagsak at nangingitim ang paligid ng kaniyang mga mata. Hindi ko siya nakilala agad.

" Hi Ma..", matamlay niyang bati sa akin. Pumasok agad siya ng kuwarto.

Masyado akong nabagabag nang araw na iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakiusap ako kay Sofia na umuwi sa kalagitnaan ng isang taping.

"Bakit naman, Mama? May nagbabantay naman kila Erwin, Sarah, Megan ah… Si Ate o kaya sila tita Mel."

"Oo pero kasi nag-aalala ako sa ate mo. Parang napapabayaan na niya ang sarili niya."

Tumaas ang kilay ni Sofia at umikot pa ang mga mata. " Si ate na naman…Palibhasa kasi paborito mo siya." Halata ang hinanakit sa boses niya.

" Ano ka ba? Bakit nka naman ganiyan magsalita?", tinuran ko bagamat may idea ako kung ano ang sagot.

" Sige na! Okay lang…umuwi ka na sa paborito mong anak." Sabay talikod sa akin.

Habang naglalakad ako pauwi, paulit-ulit pumapasok sa akin ang hitsura ni Sheena at ang galit ni Sofia. Nararamdaman ko na may isang malaking unos. May mga seryosong problema na matagal nang nasa tabi ko. Hindi ko lang alam. Lagi naman akong walang alam.

Dumiretso ako sa kuwarto niya. Mga alas dose ng gabi noon kaya inisip ko na tulog na siya. Pero wala akong nakita. Maya maya pa ay may naramdaman akong gumagalaw sa loob ng karton ng t.v na nasatabi ng pintuan. Tiningnan ko ang loob nito at laking gulat ko nang makita ko si Sheena.

Doon siya natulog. Mayroon pa siyang yakap na gitara na hindi ko alam kung saan galing.

"Sheena Anong ginagawa mo diyan? Nababaliw ka na ba?"

Nagising siya sa boses ko. Nakapikit siyang lumabas sa karton at humiga sa kama. Dala pa rin niya ang gitara. Yakap pa rin niya ito.

Inabangan ko siya kinaumagahan ngunit umalis na siya nang magising ako. Natutuwa naman akong Makita sina Megan, Sarah at Erwin, ang aking bunso na niyayakap-yakap pa ang binti ko. Sa oras na iyon, napagdesisyonan ko na hindi muna ako sasama sa mga lakad ni Sofia. Gusto ko naman bigyan ng oras ang iba ko pang mga anak. Ipapasyal ko sila, kakausapin at aalagaan. Gusto kong malaman ang mga bagay na hindi ko pa alam sa kanila.

" Si Ate Sheena, hindi na naming pinapansin iyon, Ma."

"Pinagpapalo niya si Erwin minsan porke't pinaglalaruan lang iyong gitara niya. Takot na nga si Erwin sa kniya eh. Para siyang halimaw nu'n, sigaw ng sigaw."

"Ang takaw pa niya Mama. Siya na umuubos ng mga canned goods natin, saka mga cake. Basta kapag me makakain, ipinapasok niya sa kuwarto tapos siya lang ang kakain. Kaya ang taba- taba e."

"Inggit kasi yun ke Ate Sofia kaya siya nagkakaganiyan."

Ito ang mga sumbong sa akin ng mga anak ko na nagpapabagabag sa aking kalooban at nagpainit ng aking ulo. Okay lang na mainggit siya kung hindi niya maiiwasan. Pero ang manakit at maging makasarili, hindi na tama. Hindi ko napigilan na tawagan siya. PInagsalitaan ko siya ng todo. Naiinis ako dahil hindi ko pala dapat ginawa iyon sa cellphone lang. Dahil nagkaroon na siya ng senyales na dapat iwasan na niya ako. Darating siya kapag tulog na ako. Gigising siya at aalis ng sobrang aga bago ako gumising.

Ilang araw din siyang hindi umuuwi ng bahay. At minsan tinakbuhan pa niya ako nang makita ako sa eskuwelahang pinapasukan niya. Kinausap ko na rin minsan ang asawa ko tungkol doon pero lagi niyang sinasabi na ako na ang gumawa ng paraan. Pagod na raw siya. Ngunit hindi na ako ulit nakahanap ng tiyempo. Dahil napansin ko na lumalaki na naman ang galit sa akin ni Sofia. Minsan sinabi niya sa akin." Ginagawa ko naman ang lahat para sa inyo, kay Ate ka pa rin." Kaya nga bumalik ako sa dati, sinasamahan ko siya sa lakad niya, kahit na wala naman akong ginagawa kung hindi ang tumunganga at panoorin siya sa pag-arte't pagkanta niya. Pakiramdam ko nga nagiging alipin na niya ako.

At naging malala ang lahat. Isang araw nakita ko na lang si Sheena na may hawak na kutsilyo. Akmang sasaksakin si Sofia na nakahandusay na sa sahig. Magulo ang buhok at nahihilo na. Ang mata ni Sheena ay parang pagmamay-ari na ng demoniyo. Ngunit nahimasmasan siya ng makita niya ako. Binitawan niya ang kutsilyo at pumasok sa kuwarto.

Agad kong dinala si Sofia sa ospital. Nanggagalaiti naman ang asawa ko ng malaman ang nangyari. Tumawag na lamang sa akin si Megan na umiiyak. Hinambalos daw ng asawa ko si Sheena ng gitarang lagi niyang yakap. Gusto niya raw pigilan ngunit wala siyang magawa.

Wala raw sa magkakapatid ang nakakaalam sa puno't dulo ng pag-aaway ng mga ate nila.

"Pero ma, kasi, napapansin ko lang na si Ate Sofia kasi, kapag nakahanap siya ng pagkakataon lagi niyang pinariringan ng hindi maganda si Ate. Kahit noong mga panahong hindi pa siya artista. Tinatawag niyang baboy, gurang saka big turn-off. Iniiwasan lang siya ni Ate. Pero para kasing napuno na si Ate. Aaminin ko po na maging ako ay nakikisakay sa mga sinasabi ni Ate Sofia, pero kasi naaawa na ako kay Ate Sheena. MArami kasi siyang problema e."

" Anong problema ng ate mo?"

" Sabi kasi sa akin ng Ate ng kaibigan ko, niloko raw si ate nung boyfriend niya. Parang pinagkatuwaan lang daw siya. Tapos sabi niya baka raw buntis si Ate. Iyong gitara raw ninakaw raw niya dun sa nanloko sa kaniya. Iyon lang po ang alam ko."

Naging usap-usapan ang pangyayaring iyon dahil artista si Sofia. Mapa telebisyon o radio, sinasabing iggit ang dahilan. Kahit hindi naming kilala, kinamumuhian na si Sheena. Lalong lumala ang sitwasyon nang magpaunlak ng interview si Sofia nang gabing siya sabay sabing handa niyang patawarin si Sheena. "Mahal ko siya dahil kapatid ko siya." Wika pa niya sa mga reporters. Hindi ko nagustuhan ang mga nakita ko. Dahil pagkatapos ng interview, wala naman talaga siyang pakialam. Masyado akong nasasaktan na ang mga luhang iyon, nilabas lang naman niya sa harap ng kamera para dumami ang nakikisimpatiya. Sana ipinakita na lamang niya na galit siya. Gulong gulo na ako. Bilang isang ina, dapat wala akong pinapanigan. Pareho silang may mali.

"Uwi ka na, Ma?", tanong muli ni Sofia na nakaupo pa rin sa puting kama.

"Nandito naman ang tatay mo at mga kapatid mo. Hahanapin ko ang ate mo."

" Dun ka na naman sa paborito mo."

" Ano ba Sofia? Nakikiusap ka ba na pabayaan ko na siya? Puwede ba? Buong magdamag na ako nasa tabi mo. Huwag kang maging makasarili! Akala mo ba hindi ko alam na mayroon kang kasalanan sa nangyari?"

Hindi na ulit nagsalita si Sofia. Tinalikuran niya ako tapos nagtalukbong ng kumot.

Limang araw na wala akong ideya kung saan nagpunta si Sheena. Pagkatapos siyang mabugbog ng gabing iyon, palihim siyang tumakas habang nasa ospital kaming lahat. Nagdala siya ng kaunting damit at kinuha lahat ng perang itinago ko sa damitan.

Nabalitaan kong pumunta si Sheena sa isang mas malayong hospital. Puno ng pasa ang kaniyang katawan. Mayroon din siyang pilay sa kniyang kaliwang ng doctor, nagsinungaling daw ang raw nito na galing daw siya ng probinsiya tapos napagtripan ng mga tambay.

Natagpuan ko siyang muli na papalabas ng eskuwelahan. Nakasuot ng uniporme na sobrang gusot pa at marumi. Hindi rin pantay-pantay ang gupit ng buhok niya. Mabagal siya maglakad at ang mata'y nakatingin sa na siya nagsasalita. Gusto ko rin siya tanungin pero hindi rin ako makapagsalita. Nung nasa taxi kami, hindi ko napigilang umiyak. Nagmamakaawa akong magsabi siya sa akin ng problema niya. Pero nanatili lang siyang nakatingin sa bintana. Hindi ako pinapansin.

Sabi ng psychiatrist, hindi raw baliw si Sheena pero posibleng magkaron ng malaking epekto ang nangyaring iyon sa pagkatao niya ngayon. Nabanggit din ng psychiatrist na sinabi ni Sheena lahat ng ngyari sa kaniya. Base sa mga nalaman niya, nakikita raw niyang matatag na tao si sheena. Nais ko sanang malaman ang mga sinabi ng anak ko pero tumanggi ang doctor. PInagkatiwalaan daw siya ni Sheena at dapat na huwag sirain ang tiwalang iyon. Magsasalita rin sa akin si Sheena sa takdang panahon. Kapag kaya niya na. Masaya na rin ako dahil nalaman kong nagsasalita pa ang anak ko at hindi naman siya buntis.

Inuwi ko si Sheena sa bahay. At simula noon ay nagkukulong na lang siya sa kuwarto. Lumalabas lamang siya kapag gagamit ng banyo o kukuhanin ang pagkain sa lamesa. GUmawa ako ng butas sa kuwarto naming mag-asawa upang kahit papaano'y masilip ko kung anong ginagawa niya. Madalas nasa harap siya ng computer, nag-iinternet o kaya inaayos ang mahiwagang gitarang nawasak. Kapag wala ng magawa, pinuputol niya ang kaniyang kuko o naglilinis ng tainga. Iyon lamang ang paulit-ulit niyang ginagawa.

Madalas ay kinukumusta ko siya. Tinatanong kung may gusto siyang kainin o ipabili. Pero lagi na lang "Wala naman Ma, salamat na lang." ang isinasagot niya sa akin.

MInsan natutulog na siya, pumasok ako sa kuwarto at tumabi sa kaniya. Hinaplos ko ang kaniyang buhok. Madalas kong ginagawa iyon ng mga bata pa sila. Hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin. Napakawalang kuwenta kong ina.

Ngunit marahil gising talaga si Sheena nang gabing iyon. At nakatulong iyon na kahit papaano maabot ko ulit ang puso niya. Kinabukasan kasi, nakita ko siya sa kusina na din siya ng pelikula kasama si Erwin. Hindi na takot sa kniya si bunso. At ilang araw pa ang lumipas sinasagot na rin niya ang mga tawag ng mga kaibigan niya. Naririnig ko na ulit siyang tumawa. At lubos ang aking kaligayahan ng lumapit siya sa akin para sabihing gusto niya ulit mag-aral sa susunod na semester. Naisip ko na siguro na huwag ko nang usisain ang mga pinagdaanan niya. Bumabangon na muli ang anak ko, iyon ang mas mahalaga.

Ramdam ko namang naiintindihan na ni Sofia ang pagkakamali niya. Sinasamahan ko pa rin siya sa mga lakad niya at sa tuwing gusto ko ng umuwi, wala na siyang sinasabi pa. bagkus, nagpapabigay pa siya ng pasalubong sa mga kapatid niya pati na rin kay Sheena. Unti-unti nang gumagaan ang loob ko.

Isang araw nagpaalam sa akin si Sheena. Sasama raw siya sa outing nilang magbabakarda. Hindi na ako nagdalawang isip. Ngayon lang ulit lalabas ang anak ko. Bago pa man siya umalis nag-usap pa kami ng masinsinan.

"Sana anak, pagbalik mo sa outing na iyan,sasabihin mo na sa akin lahat ng problema mo.", sabi ko sa kaniya.

"Mama naman, okay na ako tapos na iyon eh."

"Basta anak kapag handa ka na, nandito lang ako." Hindi ko akalaing masasambit ko ang mga salitang iyon. Pakiramdam ko, ginagawa ko ang tama sa pagkakataong ito.

"Sige ma, promise, sasabihin ko sa iyo lahat lahat" pagkatapos ay niyakap pa niya ako ng mahigpit.

Ngunit nagulantang ako makalipas ng ilang oras. Tumawag sa akin ang kaibigan ni Sheena.

"Ate Karla, tinakasan po kami ni Sheena. Hindi raw siya sasama sa amin.", nag-aalala ang boses nito.

"Ha? Bakit? Excited pa nga siya sa outing ninyo."

"Iyon nga po ang ipinagtataka naming kasi nagtatawanan lang kami sa kotse tapos biglang nagtatanong siya kung bakit kasama niya raw kami. Tapos nasaan daw siya? Paano raw siya napunta rito. Akala naming nagbibiro lang pero nag-iiyak na siya. Nagpumilit siyang lumabas ng kotse. Tapos nagtatakbo pa siya palayo. Iniwan nga po niya ang mga dala niyang bagahe at pagkain."

Lumipas ang dalawang araw na hindi ko na naman alam kung saan siya nagpunta. Mas nakakatakot sa pagkakataong ito. Iyak ako ng iyak. Akala ko okay na. Akala ko okay na.

At isang gabing pagod na ako sa kahahanap, umupo ako at nanonood ng balita sa telebisyon, doon ko nalaman na kasama pala si Sheena sa apat na taong nagpakamtay. May mga taong nanonood pa sa kanila. Kumukuha ng litrato o video. Hindi ako makapaniwala sa mga demoniyong iyon. Bakit may mga taong natutuwang pagmasdan ang paghihirap ng iba? Sa isang iglap, nag-iba ang tingin ko sa mundo. Nakakatakot.

Sa apat na tao, si Sheena lamang ang natitirang buhay. Iyong isa nagbaril sa dibdib, iyong isa naglaslas ng pulso, iyong isa nagbigti. Ang anak ko ay pumasok sa freezer. Bakit nila nagagawa ang bagay na ito sa sarili nila? Pakiramdam ko nawasak ang pananampalataya ko. Wala na rin akong tiwala sa sarili ko bilang ina.

Bakit Sheena? Niloloko mo lang ba ako nang sinabi mong hindi ka galit sa akin? Ang mga ngiti't yakap mo sa araw na iyon, pakitang tao lang ba para hindi kita pigilan sa binabalak mo? Ano bang gusto mong gawin ko? Ano ba talagang nangyari sa iyo? Bakit ka nagkakaganito? Masaya ka naman dati, hindi ba? Gusto ko ng malaman ang mga sagot.

Tumayo na ako sa upuan. Gusto ko nang harapin ulit si Sheena. Makikiusap ulit ako na buksan ang puso niya para sa akin.

Ngunit pagbukas ko ulit ng pintuan ay wala na si Sheena. Naroon pa rin ang bag na pinaglalagyan ko ng mga damit niya. Nakabukas ang bintana. Agad akong tumakbo. Inaasahan ko na wala na siyang buhay. Subalit wala akong nakitang nabulagtang katawan. Tuloy pa rin ang daloy ng mga taong naglalakad sa ibaba. Para sa kanila, walang nangyaring gulo. Walang kakaibang nangyari.

Basta na lang siyang nawala.