Friday the 13th

Mga Bida o pinakabida:

Dezley Alcantara

Zky Briones

Authors Note: Yay! Bagong story na ulit. Sana maganda ang kalabasan ng istorya baka kasi hindi e. ('~') Ah! Naisip ko ang istoryang ito habang nagtitingin ng mga damit sa GaiaOnline para dun sa character ko xD Purong pink kasi ang damit ko, e biglang nagustuhan kong mag purong black. Kaya naisip ko na magpurong black tuwing Friday the 13th. Haha, at 'ayun naisip kong gawan ng istorya xD Nahirapan din akong mag-isip ng ending tsk, tsk. Sana ayos lang ang ending nito. Hala, o sige, simulan na ang istorya (^-^)

Kabanata 1 - Ang Sumpa

Bago pa man sumikat ang mapagbigay na liwanag na araw, nagising na ako nang four-thirty o'clock. Kailangan ko kasing agahan ang gising ko dahil ang araw na ito ay ang unang araw ko bilang first year college student sa University of Talis at nasa kursong Engineering.

"Pero…" nasambit ko at napatigil sa pagsuklay sa bago kong ligong buhok. "Makakaya ko bang mag-isa… Ganung wala na sa tabi ko ang best friends ko. Makakaya ko ba?"

Iba kasi ang kursong kinuha ng mga matalik kong kaibigan. Si Xarah ay nasa kursong Accountancy at si Caysie naman ay nasa kursong Information Technology. Tama, may sari-sarili na kaming tatahakin sa buhay at hindi sa lahat ng oras ay kailangan ko laging dumepende sa kanila. Kailangan kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa at harapin ang lahat ng pagsubok.

"Ok, kaya ko 'to! Kaya mo 'yan, Dezley!" determinadong sabi ko. Subalit napalitan din agad ng pagkalugmok ko.

"Pero ni isa wala akong kakilala sa kanila. Tapos, mukhang matatalino pa mga magiging kaklase ko. Mahiyain pa ako kaya mahihirapan akong makipagkaibigan sa kanila. Sana mababait silang lahat… Sana nga mababait silang lahat dahil baka sa November 13… Baka may magawa na naman akong di dapat gawin…"

Ano nga ba ang meron sa November 13? Ang araw kasing iyon ay Friday the 13th, ang araw na pinaka-ayaw ko at kinatatakutan ko. Dahil sa araw na 'yun, ang buong katauhan ko ay nagbabago. Kami kasing pamilyang Alcantara ay nasa ilalim ng isang sumpa.

Nagsimula ang sumpa noong hayskul pa ang lolo Buro ko. May isa daw kasing mahiyaing babae ang umibig sa lolo ko at iyon ay si Matilde. At dahil mahiyain siya, pasekreto na lang nyang pinagmamasdan ang lolo ko hanggang malaman nya na inaaapi at inaaalila ng ibang kalalakihan si lolo. Kaya naman tinulungan nya ito sa pamamagitan ng pangkukulam. Ang pamilya kasi ni Matilde ay isang mangkukulam at walang nakakaalam nito dahil mahigpit nilang itinago ito sa lahat. Maingat na kinulam nya ang mga nang-aapi kay lolo dahil baka isipin nila na isang mangkukulam ang lolo ko.

Di naglaon, nagawa ni Matilde na makipagkaibigan sa lolo ko hanggang napa-ibig na rin ang lolo ko sa kanya. Nang maging sila na saka pa inamin ni Matilde ang tungkol sa pangkukulam niya at kung paano niya tinutulungan si lolo. Sa totoo daw natakot ang lolo ko sa kanya pero tinago niya ang takot na naramdaman niya. Pero nakahalata rin daw si Matilde at naintindihan naman ni niya kung bakit natakot ang lolo ko. Masasabi kong isa siyang mabait na tao.

At isang araw, kinailangan daw umalis ni Matilde. Maninirahan kasi sila sa ibang lugar. Dahil sa pag-aalalang baka apihin muli si lolo, gumawa siya ng isang sumpa na makakatulong sa lolo ko.

Sa tuwing sasapit ang Friday the 13th, ang katauhan ni lolo ay nagpapalit. Kung isang mahina at mabait si lolo, isa naman siyang masama at malakas tuwing Friday the 13th. Kaya naman sa tuwing sumasapit ito, naghihiganti si lolo sa lahat ng taong nanakit at nang-api sa kanya.

At tulad ko, ayaw din ni lolo ang sumpang 'yun.

"Pero kina Papa parang ayos lang sa kanila 'yung sumpa. Parang wala silang paki-alam kung nasa ilalim kami ng sumpa." pagbuntong-hininga ko.

Lahit kasi ng naging anak ni lolo ay nasa ilalim ng sumpa. Kaya naman si Papa ay nasa ilalim rin ng sumpa kung saan naipasa rin sa amin. Pero si Mama at si lola ay walang sumpa. Dahil siguro nasa dugo lamang ng lolo ko ang sumpa, at naipasa niya ito sa mga anak niya kung saan naipasa rin sa amin.

At sa tuwing sasapit nga ang Friday the 13th, ang Papa ko na seryoso at mahimik ay nagiging palabiro at pasaway. Kaya naman parang ayos lang sa kanya ang sumpa. Samantala, ang Kuya Eujin ko na maingay at palabiro ay nagiging katulad ni Papa na maseryoso at tahimik. Ang bunso namang si Umi na pala-utos at tamad ay nagiging masipag at matulungin. Samantala, ako na mabait, matulungin at masipag ay nagiging masama, pala-utos at tamad.

At tulad ng lolo ko, naghihiganti rin ako sa mga taong pinagsasamantalahan ang kabaitan ko at sa mga taong inuuto at inaapi ako. Iyun na ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko ang sumpang 'yun. Nakakatulong nga marahil pero nakakasakit naman.

"Ate Dez, kunin mo nga 'yung sapatos ko." utos ng spoiled kong kapatid na si Umi habang nagsusuot ng puting medyas nya.

Napabuntong-hininga na lamang ako at di na umangal. Kinuha ko ang school shoes nya sa kabinet namin.

"Ito o." pag-abot ko ng sapatos kay Umi at binaling ang pansin sa aking ina at ama.

"Ma, Pa, alis na po ako." pagpapaaalam at pagmamano ko sa aking ina na nagwawalis at sa aking ama na nagbabasa ng dyaryo.

"O, sige anak, ingat ka ha." ani ng aking butihing ina.

Ang kuya ko naman ay mamaya pang hapon ang pasok. Panghapon kasi siya kaya hanggang ngayon tulog pa siya.

Pagkasakay ko sa dyip, naitanong ko muli, "Paano ba matatanggal ang sumpa namin?"

Hindi na binalak ng aking ama at ina na alamin kung paano matanggal ang sumpang iyon. Paano naman naman kasi, ayos lang sa kanila ang sumpa. Wala silang paki-alam. Hindi ko rin naman sila mapilit na alamin kung paano matatanggal ang sumpa. Kaya nagtanong na lamang ako.

(Pagbaliktanaw…)

"Ma, paano ba matatanggal ang sumpa?" naitanong ko noong mga 13 years old pa lang ako.

"Ang sabi ng lolo mo, ayon sa abularyo, tanging 'yung sumumpa lang ang makakatanggal noon. Kaya naman daw hinanap niya si Matilde, subalit napag alaman niya na piñata na sila ng mga tao noong malaman nila na isa silang mangkukulam. Di daw sumuko agad lolo mo, humanap pa rin siya ng paraan. Kaso wala na talagang paraan. Kaya sa huli tinanggap din niya ang sumpa. Paano kasi dumating sa buhay niya ang lola mo na nagpabago sa kanya. Tuwing mananakit siya, andun naman ang lola mo para pigilan ang lolo mo. At habang tumatagal daw, hindi na naghihiganti ang lolo mo sa mga taong may atraso sa kanya." paliwanag ng aking ina.

"Pero, Ma, gusto ko pong matanggal ang sumpa. Ayaw ko na pong makasakit ng tao. Baka kasi… Baka isang araw… Baka…" naiiyak na sabi ko.

"Hindi anak. Wag mong sasabihin 'yun. Isa kang mabait na bata. Hindi mo magagawa 'yun. Kahit mawala ka sa katauhan mo, alam ko. Pipigilan at pipigilan mo pa rin ang sarili mo." pagyakap ng aking mapagmahal na ina at dagdag niya, "Balang araw may makikilala ka rin na makakapagbago sa iyo. Isang tao rin na tatanggapin ang buong pagkatao mo. Masama man o mabuti… At tutulungan ka rin niyang pigilan tuwing mananakit ka. Tutulungan ka ng taong 'yun na gawin ka pang mas mabuting tao. Dadating siya balang araw. At habang wala pa siya, andito kami, para gabayan ka…"

"Ma… Salamat…" pagyakap at pag-ngiti ko.

(Pagtatapos ng aking pagbaliktanaw…)

"Pero… Kailan kaya sya dadating? May dadating nga kaya?" napapaiyak na sabi ko sa sarili ko.

Itutuloy…