Friday the 13th

Mga Bida o pinakabida:

Dezley Alcantara

Zky Briones

Authors Note: Hello po. Musta kabanata 1? Aghh (-_-) Mukhang boring ang kalalabasan ng istoryang ito. Tingin ko kasi common na ang ganitong istorya. Wala na akong maisip na pang unique (~.~) Anyway, ('o') Bakit hate ng bida ang Friday the 13th? E, ang paboritong araw ng author ay Friday the 13th? (~_~) Aywan nga. Ah! May first comment na ako sa story. FaithMemory thanks. About sa pagbobold, meron pala akong di nabold at maraming mali. Tinamad kasi ang author na mag edit at basahin ulit story XD Anyway, this time mag-eedit na ako :) Thanks po ulit

Kabanata 2 - Ang Unang Araw ko sa Iskol

"Room 1106… Room 1107…" paghahanap ko sa aking classroom at habang palapit ako ng palapit, lumalakas ang tibok ng puso ko. "Kinakabahan talaga ako…"

"Room 1109…" pagtigil ko sa paglalakad. "Eto na 'yun."

Unti-unti kong binuksan ang pintuan habang nakatungo, pagtingala ko, ang iba sa kanila ay nakatingin sa akin. Kinabahan lalo ako. Humanap agad ako ng bakanteng upuan. Nakakita ako ng isang babaeng nag-iisa rin at wala pang katabi. Kaya sa tabi na lang niya ako umupo.

"Hello…" bati niya nang maka-upo ako.

"Ah, hello din." pag-ngiti ko. "Mukhang mabait naman siya…"

"Atsaka, ang kyut niya. Teka! Medyo kamukha niya si Aya ng One liter of Tears a! Ala, oo nga no." mga nasa isip ko habang pinapanood siyang nagdro-drawing ng spongebob sa papel niya.

"Ang galling niyang mag-drawing at ang bilis pa." paghanga ko pero napalitan bigla ng kaba, "Wahhh~! Baka lahat ng kaklase ko dito ay magagaling at sobrang talino. Ala! Paano ito? Siguradong wala akong binatbat sa kanila."

Habang naghihintay ng guro, minatyagan ko na lang ang mga kaklase ko. Mukhang ang tatalino talaga nila tapos mukhang matitino sila. Ang tatahimik kasi nila. Di tulad noong hayskul, sa unang araw palang, maingay na agad. Pero ganito rin naman noong first year highschool ako. Siguro dahil di pa kami magkakakilala at magka-close kaya ganun.

Atsaka, 'yung iba sa kanila mukhang mayayaman. Ang dami ring magagandang babae dito. Wala talaga akong binatbat sa kanila. Tinitingnan ko palang sila parang ang taas-taas nila at ako ang liit-liit ko. Sobrang pinanghihinaan talaga ako ng loob ngayon.

"Ah! Hindi pede! Wag kang panghinaan ng loob, Dezley!" pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko at bigla akong napalingon sa likod ng biglang may pumasok.

"Ang tahimik naman ng classroom na ito." sambit ng lalaki na kapapasok lang sa classroom at bigla siyang napatitig sa isang babae.

"Hi, Miss. Pulis ka ba? Hinuli mo kasi ang puso ko at ngayon nakakulong na siya sa puso mo." malambing niyang sinabi sa babae.

"Ang ganda nga nya. Mukha siyang Koreana. Tapos ang kinis pa niya at maputi pa. Ang ganda niya… Di ako magtataka kung bakit nahulog na agad sa kanya ang lalaking 'yun." paghanga ko.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko may message ang kaibigan kong si Xarah.

Goodluck s First day!!

Pg igihn ntn ngaung

college!

txttxt muna habang nghihinty ng tcher.

_Xarah_

Medyo lumakas ang loob ko dahil sa message niya kaya naman naisipan ko ring mag-group message para magbigay lakas loob sa iba ring kinakabahan.

Gudmorning s lht~

Goodluck sa First day~!

Do your best! (^-^)

*Mg isa lng ako dito

(T_T)

*txttxt muna hbang

naghihintay ng guro.

~Dezley~

Kaya habang naghihintay, nakikipag-text ako sa mga kaibigan ko. Nawawala ang aking kaba dahil sa kanila. Atsaka, habang tumatagal, medyo nag-iingay na rin ang mga kaklase ko. Mukhang magka-close na rin 'yung iba.

Maya-maya'y may dumating na guro. Isa siyang matandang lalaki at mukhang mabait naman siya. Pero, gayun pa man, kinabahan muli ako.

"Aba!" pagulat na sabi ng guro ng makaharap ang buong klase. "Ang swerte ko ata. Ang daming magagandang dilag dito. Siguradong gaganahan ako sa pagtuturo."

Napatawa ako ganun rin ang iba. Nakakatawa kasi ang reaksyon niya at kung paano niya sinabi iyon. Nagpakilala siya sa klase. Siya daw ay si Benigno Abanador, ang magiging guro namin sa Psychology. At kahit 60 years old na daw siya, bata pa daw siyang tingnan at ang gwapo gwapo pa rin daw niya. Gusto ko ang gurong ito, ang hilig niyang magpatawa. Salamat sa kanya dahil nawala ang kaba ko.

Nagkwento rin siya ng kaunti tungkol sa buhay niya. Matapos 'yun ay umalis na siya. Sumunod na guro ay isang babae. Siya ay si Jessica Hernandez, ang guro namin sa Filipino. Matapos niyang magpakilala at magtalakay tungkol sa mga patakaran tuwing sa oras ng klase niya, inatasan niya kami na magpakilala rin sa lahat.

"Ala!!! Bakit?! Wag na, please! Sana umayaw sila, sana, sana." paghihinagpis ko.

Subalit, ni isa walang umangal.

"Ala, kinakabahan talaga ako. Sana maka-imik ako ng ayos." pag-ngiyakngiyak ko.

At habang nagpapakilala ang iba, napag-alaman ko na marami sa kanila ay galing sa isang mataas na paaralan. Tapos puro valedictorian at honour students pa sila. Ang tatalino talaga nila, wala akong binatbat.

"Ah, siya 'yung kanina." nasambit ko ng mapagtanto ko na ang magpapakilala na ay 'yung lalaki kanina.

"Ang aking pangalan ay Zky Briones. Nakatira ako sa Binaba, Talis. Grumaduate sa Binaba High School. At single ako." pagpapakilala niya.

"Kailangan pa bang banggitin 'yun?" naitanong ko.

Tila 'yung iba ay nahahanginan sa kanya at 'yung iba ay natawa sa huli niyang sinabi. Maya-maya'y 'yung katabi ko na ang tumayo.

"Hala!! Ako na ang sunod!!" pagpapanik ko.

"Ako si May Anne Dimaculangan. Graduate sa College of Junico at nakatira sa Junico, Talis." pagpapakilala niya.

At hayan, ako na nga. Tahimik at kabang kaba akong pumunta sa unahan.

"Ako si Dezley Alcantara. Graduate sa St. Terese Academy. Nakatira ako sa Bawil, Talis." pagpapakilala ko at agad na bumalik sa upuan.

"Ahhh… May Anne…" tawag ko.

"Hm? Bakit?"

"Malakas ba boses ko?"

"Ang hina nga e."

"Ah, hehehe." Natawa na lamang ako at umiyak sa loob, "Sabi na e!"

Matapos magpakilala ng lahat, umalis na ang guro namin. Di agad dumating ang sunod naming guro. Kaya 'yung iba lumabas muna, 'yung iba naman ay nag-usap usap. At ako… Ito nagte-text na lang ulit.

"Ang cute ng cellphone mo parang ikaw." Biglang sambit ng isang malambing na boses.

Pagtingin ko, si Zky pala.

"Ah, hehe, salamat." medyo namumulang sabi ko.

Nagpatuloy ako sa pakikipag-text. Pero sobrang naiilang ako. Tinititigan kasi ako ni Zky. Bakit ba niya ako tinititigan? Di naman ako maganda. Di rin ako kyut.

Sinubukan kong tingnan siya, pero di ko magawa. Kaya itinuon ko na lang ang pansin ko sa cellphone kong LG at nakipag text na lamang ako.

"Zky, punta ka dito!" tawag ng isa naming kaklase.

"Ah, o, sige." ani Zky.

Bago siya umalis, pinisil niya pisngi ko at sinabi, "Byebye!"

Namula ako at lumakas ang tibok ng puso ko. At habang kasama niya ang mga kaibigan niya, di ko maiwasang pagmasdan siya.

"Siya ang kauna-unahang taong gumawa sa akin nun. Pero… Di tama 'to. Di ko dapat bigyan ng ibang kahulugan 'yung ginawa niya. Atsaka mukhang bolero siya at babaero. Ala, basta, di ko dapat 'yun bigyan ng ibang kahulugan. Pero… Mukhang nagkagusto ako sa kanya…"

At naisipan kong ibahagi sa aking mga matalik na kaibigan ang aking nararamdaman.

Xarah, Caysie,

May crush ako sa mga

kaklac ko. Ang pangalan

nya ay Zky x)

Itutuloy…