Disclaimer: Nakuha ko 'tong kwento na 'to sa column ni Mr. Jarius Bondoc na 'Sapol' sa May 28, 2010 issue ng Pilipino Star Ngayon. Nakakaaliw s'ya...sana mag-enjoy din kayo. Wala akong inaangkin na kahit ano, kundi yung effort ko lang sa pag-tatype nento. ^^

Kahulugan daw ito ng buhay

Unang araw ng paglikha, binuo ng Diyos ang aso at sinabihan, "umupo ka buong araw at tahulan mo lahat ng pumasok o dumaan. Para dyan bibigyan kita ng bihay na habang 20 taon." sagot ng aso, "mahabang panahon yan ng pagtahol. Bigyan nyo na lamang ako ng 10 taon, isosoli ko ang labis na 10 taon." Pumayag ang Diyos.

Ikalawang araw, hinubog ng Diyos ang matsing at inatasan, "maglambitin ka at patawanin ang mga tao. Para dyan bibigyan kita ng 20 taong buhay. Sagot ng matsing: "20 taon? Mahaba yata yun para lang magpasaya sa iba. 10 taon lang ok na saken. Isosoli ko ang sobrang 10." Muli, pumayag ang Diyos.

Ikatlong araw ginawa ng Diyos ang baka at inutusan, "kailangan tulungan mo ang magsasaka sa bukid , tiisin ang init buong araw, mag-anak ng guya, at magbigay ng gatas sa pamilya n'ya. Dahil dyan bibigyan kita ng buhay na may habang 60 taon." Nakiusap ang baka, "napakahaba namang panahon ng paghihirap yan. Sana 20 taon na lang, at isosoli ko ang 40." Oaky sa Diyos.

Ikaapat na araw, nilikha ng Diyos ang Tao. Tuwang-tuwa siya sa sarili, kaya pinayuhan N'ya ang tao, "kumain, matulog, maglaro, mag-asawa at magpakasarap ka sa buhay. Bibigyan kita ng 20 taong buhay." Umangal ang tao, "20 taon lang? Pede ganito na lang, akin na ang 20 taon ko, tsaka ang isinoli ng baka na 40 taon, at ang isinoli ng matsing at aso na tig-10 taon, kaya 80 taon na lahat?" Dahil giliw na gilw ang Diyos sa tao, sinagot N'ya, "Kung yun ang nais, yun ang makamit"

At yan ang dahilan kung bakit, sa unang 20 taon ng ating buhay, puro tayo kain, tulog, laro at pagpapasarap lang. Tapos sa sususnod na 40 taon, mala-alipin tayo sa ilalim ng init ng araw nagpapakain sa pamilya. Sunod, 10 taon tayo mag-aala maysing para pataanin ang mga apo. At sa huling 10 taon nakaupo na lang tayo sa veranda at tinatahulan ang mga dumadaan.