Sana'y Hindi Pa Huli
by The Yūgen Bard
(2010-12-26)


Sana'y hindi pa huli ang lahat…
Upang ika'y makilala.
Sana'y hindi pa huli ang lahat…
Upang tayo'y magkasama.

Sadya bang ganito ang tadhana
Damdami'y pinaglalaruan?
Nagtatanong ang aking puso
Bakit, bakit, nagkakaganito?

Ikaw ba'y talagang aking mahal?
O ito'y laro ni kupido?
Ikaw ba'y iniibig kong tunay?
O sadyang ako'y hangal lamang?

Sana'y hindi pa huli ang lahat…
Upang ika'y makapiling.
Sana'y hindi pa huli ang lahat…
Upang tayo'y mag-ibigan.

Mahal kita o aking sinta
Ikaw ang kulay ng aking buhay.
Iniibig kita o giliw ko
Sana ako'y ibigin mo rin.


Copyright © 2010, 2015, 2020 "The Yūgen Bard" (JC John Sese Cuneta)
License: 2015 Creative Commons Attribution-ShareAlike (CC BY-SA) 4.0 International