Prologue


...

Dec. 25, 2010...


Sa isang lugar sa Pinas, matatagpuan ang Kalye ng Maharlika, ang main road at ang nagdudugtong sa apat na kalye, ang kalye ng Bonifacio, Del Pilar, Luna, at Aguinaldo. Ang Maharlika ay kadalasan dinadaanan ng mga tao at sasakyan, kaya naman ay laging maingay at magulo dito. Di kalayuan sa Maharlika ay ang kalye bonifacio, kung saan nagdudugtong ito sa kalye ng Rizal, isang maliit at malungkot na eskinita.

Naglalakad ako patungo sa kalye ng Rizal, marahil ito na ang nagging tambayan ko. Malayo sa mga taong nanggugulo at walang mga sasakyang dumadaan para gumawa ng ingay. Dumaan ako sa kalye bonifacio, halos 10 minuto rin ang lakad mula doon hanggang sa eskinita ng Rizal. Nang makarating ako sa Rizal ay tumigil ako upang pagmasdan ang mga graffiti sa pader. Wala gaanong dumadaan na tao sa lugar na ito. Kaya naman paborito ko itong tambayan.

Marahil ngayon ay nagtataka kayo kung bakit ayaw ko sa mataong lugar. Ayaw ko makisama sa ibang tao dahil wala silang kwenta! Puro ingay at problema lamang ang aking mapapala sa mga tao. Di ko sila kaelangan, pero kaelangan nila ako. Pinapakialaman nila lagi ang mga bagay na di naman dapat pakialaman. Di ko sila maintindihan, at di ko sila kayang intindihin...

...

" *yawn* mmhhmm.. nasan ako?" lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ang street sign.. "Maharlika Ave."

"O_o waaahhh! Bakit ako nandito? At... bakit nagising ako dito?" tumigil ako at napaisip...

"Ang pagkakaalam ko ay pumunta ako sa eskinita ng Rizal" bulong ko sa sarili. "pero pano ako napunta dito?"

Medyo kakaiba ang panahon ngayon, parang hapon na umaga, ewan ko di ko masabi kung hapon na ba? Tiningnan ko ang cellphone ko... ngunit lowbat ito. Makapagtanong nga sa mga taong dumadaan.

"umm... excuse me..." tawag pansin ko sa isang lalaking mukhang papasok na sa trabaho. Di niya ako pinansin... baka nagmamadali ito...

"excuse me, pwede po matanong kung anong oras na?" Dire-diretso lang ang babaeng tinanungan ko.

"oi! Bat ayaw akong pansinin ng mga ito?" Kung kaelan ako nakikipagusap sa kanila, tsaka naman ako iisnabin ng mga to. Mga walang kwenta talaga!

Ilang sandal pa at may tumawag pansin sakin, isang mamang naka-itim na jacket, at naka-hood. Naku, mukhang holdaper to. Lumapit siya patungo sa kinatatayuan ko.

"A..anong kaelangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Bata, Ikaw ba si Ares Magsumbol?" tanong niya sakin.

Nagulat nalang ako at alam niya ang aking pangalan.

"oo.. ako nga, ano kaelangan mo?"

"andito ako upang sunduin ka"

"haa? Sunduin? Di naman ako nagpasundo aa. At isa pa 17 yrs old na ako, malaki na ako, kayak o nanag umuwi mag-isa." Paliwanag ko sa kanya.

"hmmp.. di mo naiintindihan bata.."

"anong ibig mong sabihin?"

"...patay ka na... nandito ako upang sunduin ka"

Nagulat ako sa sinabi niya. Imposible naman iyon, ano to scam?

"haa? Ahaha! ayos ka lang ba? "

"hmmp.."

"okay, tama na ang biro, asan na ang mga hidden camera? Di niyo ako maloloko" pilit ko sa kanya.

"heh.. mabuti pa sumama ka na lang nang matapos na ang lahat"

"oi! Teka san mo ko dadalhin?" Itinaas niya ang kanyang isang kamay at parang nagchant ng spell. Di ko ito maintindihan. Sumigaw nalang ako ng saklolo.

"oi tulong! May holdaper dito, hinoholdap ako." Nakapagtataka at walang pumapansin saken. Di ko na alam kung anong gagawin. Kinalabit ko ang batang napadaan nang magulat ako nang tumagos ang kamay ko sa balikat niya.

"o_O !, shiit! Ano nangyare?"

"hmmp.. kanina ko pa sinasabi sayo bata... patay ka na, di ka na nakikita, naririnig, o nararamdaman ng mga tao sa paligid mo, wag ka nang makulit at pumasok ka na sa pinto... sabay tinuro niya ang pintuan na parang may itim at violet na aura.

"haaa! Di mamari to... bakit... pa..paano ako namatay?" tanong ko sa kanya

"hmmp.. ewan ko sayo, andito lang ako para sunduin ka" sagot niya

"... eh sino ka naman? Si kamatayan?" tanong ko muli.

"maraming tumatwag samin ng ganoong pangalan. Pero andito lamang kami upang ihatid ang mga kaluluwang pumanaw na"

"...ganon? ano pangalan mo?"

"ako si Grimm.."

"grimm? As in Grim Reaper?"

"hmmp... oo na tara na't marami pa akong susunduin.."

"woahh... teka teka, di mo ba ako pwedeng bigyan ng pangalawang pagkakataon?" tanong ko muli.

"bata, di ko iyon Gawain.. narito lamang ako upang maghatid, hindi upang bumuhay ng patay."

"..."

"tara na.."

"teka! Bigyan mo naman ako ng konting panahon..."

"hmm?"

"para... alam mo na... gumala at magsight-seeing... mula kasi noong isinilang ako ditto na ako lumaki... at di ko pa gaanong nalilibot ang lugar..."

"hmmpp... sige... bibigyan kita ng pitong araw..."

"pitong araw lang?"

"grrr.. nagrereklamo ka pa? Gusto mong bawasan ko iyon?"

"o cge na nga, pitong araw..."

"heh... may pitong araw ka pa para mabuhay, siguraduhin mong susulitin mo ito." Inabot niya ang kamay niya saken upang makipagkamay. Kinamayan ko siya... at nabalot ako sa kaliwanagan.

...

"Pitong araw pang mabubuhay..."