Last Day

(part 3)


Kasalukuyan akong nakasakay sa loob ng umaandar na tren, mejo maluwag na yung loob, dahil siguro marami ring bumaba na pasahero sa sumunod na istasyon. Kasalukuyan rin na kasama ko si Eri. Magkatabi kami ngayon, nakaupo. Halos limang minute na rin ang nakakalipas nang magkita kami dito, hanggang ngayon, wala paring umiimik kahit isa sa amin. Nakayuko lamang si Eris a tabi ko, di man lang niya akong magawang tingnan. Ako naman, parang tanga, wala akong magawa, wala akong masabi. Yung mga gusto kong itanong, yung mga dapat kong sabihin, lahat iyun nawala sa aking isipan. Di ko maibuka ang aking bibig.

Ano nga ba talaga ang dahilan, Eri... Di ko rin siya magawang tingnan, pero paminsan-minsan ay dinadaplisan ko siya ng tingin. Di siya umiimik. Nagkataong sabay kaming tumingin sa isa't isa. Mejo nagulat ako at kinabahan, di ko alam kung anong sasabihin, kung paano magsisimula, napansin ko rin na nagulat rin si Eri. Bahala na...

"Ah, Uhm... S-san ang lakad mo?" Tanong ko sa kanya, sabay tingin palayo at kamot sa ulo.

Mejo matagal-tagal din bago siya sumagot.

"...may edideliver lang ulit ako kay Mr. C" Mahinang sagot ni Eri.

"Ah..." sabi ko. At nabalot muli sa nakakabinging katahimikan ang paligid.

Pupunta rin siya kay Mr. C? Parehas kami ng patutunguhan. Kelangan ko nang maitanong sa kanya, bago kami makarating dun.

Makalipas ng ilang minuto, nakarating rin kami nila Eri sa 13th avenue. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito. Nung unang sakay kasi namin ni Eri ng tren, ay lumagpas kami sa 13th ave, at napadpad sa cat street, dun namin nakilala sila Kurt at Mae. Ninakawan pa nga kami nung dalawa eh. Sinong mag-aakalang magiging kaibigan ko sila. Kaibigan... ko sila..?

Bumaba kami mula sa istasyon, at tahimik na naglakad papunta sa bahay ni Mr. C. Saan nga pala bahay niya? Malay ko. Bakit pala ako pupunta sa bahay ni Mr. C kung di ko naman kung san ito banda? Ah, ewan ko, naguguluhan na ako. Ayaw ko nang isipin pa, mawawala narin naman ako sa mundong ito.

Tumigil si Eri ng sandali. May binunot siya na papel mula sa kanyang bag. Nakalagay dito ang address ni Mr. C. Tumingin-tingin siya sa paligid na mistulang nawawala. Di rin niya siguro alam ang daan papunta dun.

"Err... uh... magtanong-tanong kaya tayo sa ibang tao?" Sabi ko kay Eri.

Tumango na lamang siya at ibinagay yung papel sa akin. Kakaiba, ako na ang nag-aayang magtanong ng mga direksyon ngayon. Lumapit kami sa isang lalake na nakatayo sa may tabi at nagtanong, ipinakita yung papel sa kanya. Agad naman niyang tinuro samin ang direksyon.

Nagpatuloy kami ni Eri sa aming paglalakad. Marami rin palang mabubuting tao sa lugar na tao. Ngayon ko lang nadama na kelangan ko ng tulong ng iba, at kelangan rin nila ang tulong ko.

Napansin kong tumahimik ulit at paligid. Magandang pagkakataon na to para itanong ko kay Eri ang lahat.

"Uhm... Marami rin palang mabubuting tao dito no..?" Panimula ko.

Di umimik si Eri, sa halip, patuloy siyang naglakad.

"Maraming... nagbago sakin sa mga nakaraan na araw..." patuloy ko. Tumingin ako ng sandali kay Eri. Nakita kong mejo ibinaling niya ang tingin niya sakin.

"Marami akong nalaman, marami akong natutunan... At ang lahat ng ito... ay dahil sayo, Eri."

Napatigil siya sa kanyang paglalakad.

"Di lang dahil sayo." dugtong ko. "Kundi ndahil rin kela Kurt at Mae, kay Mr. C, at iba pang mga taong natuto kong pagkatiwalaan."

Lumingon si Eri sa akin. Nakita ko na parang may gusto siyang sabihin, pero di niya mailagay sa salita. Nakita ko nalang ang mga patak ng luha na tumulo sa mukha ni Eri.

"Ares..." Lumuhod siya sa harapan ko. "S-s-sorry...!" at nagsimula na siyang umiyak. Ako naman ay nagulat. Di ko inaasahan na mangyari to. Anong gagawin ko?

"Di ko naman ginusto ang nangyari eh..." Patuloy ni Eri. "Kelangan ko lang talagang gawin iyon... dahil, dahil..."

"...Dahil?" pagtataka ko. Anong kayang nangyari? di ko na maintindihan, may nag-utos ba sa kanya na patayin ako?

"Dahil... ayaw ko ring mawala sa mundong ito..!" Sigaw niya.

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? Ayaw niyang mawala sa mundong ito? Teka, wag mong sabihing..!? Tsaka ko lang nalaman ang bigat ng problemang dinadala ni Eri. Sa una, akala ko na ako lang ang may dinadalang ganito kabigat na problema, di pala, may mas mabigat pa pala na problema kaysa sakin.

Humihanon ako ng sandali at huminga ng malalim.

"Naaalala mo pa ang sinabi mo dati?" Ngiti ko. "Na ipapakita mo na mali ako, na balang araw, matutunan ko rin magtiwala sa iba, makipagkaibigan sa iba, matanggap ang iba..?"

Mejo tumigil na si Eri sa pag-iyak. Tumayo siya at nagpunas ng luha.

"Tama ka, at ang araw na iyon ay ito. Kundi dahil sayo, di ko malalaman ang mga bagay na importante sakin." Ngiti ko.

"Maraming salamat." Yumuko ako sa harapan niya.

"Maraming salamat, sa lahat."


Di nalalayo sa pinaroroonan nila Ares...

Naglalakad si Grimm patungo sa ice-cream store.

"Ui, tol, nakita mo ba yung kanina?"

"Huh..? Bakit."

"May babaeng umiiyak mag-isa, at parang humhingi ng tawad."

"Hah?! sigurado ka ba? eh, sinu naman kausap nun?"

"Ewan ko, baka multo?"

Dumaan si Grimm sa gilid nung mga lalaking nag-uusap. Hinila niya pababa ang kanyang sumbrero.

"...Nagsimula na." Bulong ni Grimm sa sarili niya.