A/N: This is a very different approach in telling or writing a story. I know that there are usually only two forms to write a story... either on first person, where one of the characters (usually the protagonists) is the one telling the story from his/her point of view revealing his/her thoughts to the reader. While the other one is on third person, meaning the author or the storyteller is not part of the story, and thoughts of the characters are usually not revealed or are portrayed through subtle actions that the narrator emphasizes putting an idea of what might be in the character's mind.

I usually see the third person approach in old books and some romance pocketbooks. I'm not sure if it's easier, but some says that it is much more impersonal than the first person approach. Because the concept of the first person is to make you feel as if you are the one who is telling the story, the same goes for the one writing it, we have to put ourselves in the position of the character... which I think is easier for me because I get to understand my own character.

sorry for rambling, I bet you're already asleep. My only point in all this is that, this story is different in all I have written because I used second person, meaning someone else is telling you, your own story. As if someone is dictating what happened, and it's very weird but I had a lot of fun writing it.


SANA

Masasabi mo bang kapalaran ang may hawak sa ating mga buhay? Kung sa dinami-dami ng tao sa mundo, hindi nga ba kapalaran ang naglapit sa dalawang magkaibang tao?

Habang ngayong nakaupo ka sa loob ng iyong sasakyan, pinapanuod ang mga taong naglalakad, nagtatawanan at nag-uusap, naisip mo bang baka hindi tadhana ang naglayo sa kanya sa iyo? Na baka ikaw mismo ang dahilan, ang mga desisyong binitiwan mo? Siguro kung hindi ka nagmatigas ng ilang araw at ilang lingo, kung pinakinggan mo ang mga nais niyang sabihin, siguro wala ka ngayon sa airport… umiiyak dahil hindi mo siya naabutan. Siguro hindi kapalaran ang dapat sisihin kung hindi ang mga pagkukulang mo at ang mga oras na ginuggugol mo sa barkada at trabaho, at hindi sa asawa mong naghihintay sa bahay ninyo.

Marahil hindi tadhana ang dahilan kung bakit kayo nagkakilala at nagkatuluyan, kung hindi ang gabi-gabi mong pagtambay sa tindahan nila at ang pangungulit mo sa mga kaibigan niya. Matatawag bang pagkakataon ang pagkakabuntis mo sa kanya sa maagang edad na disi-otso, na siyang nagtulak sa inyong maagang pagpapakasal? Kasalanan ba ng tadhanag madisgrasya siya at malaglag ang tanging dahilan ng inyong pagpapakasal? Ang lahat ng ito, dapat bang sabihing pagkakataon lang? Ngunit bakit paglalayun ng kapalaran ang dalawang taong pinaglapit nito?

Siguro nga, hindi ang kapalaran, tadhana o pagkakataon ang dahilan ng mga ito. Dahil kung naging torpe ka lang sana, marahil hindi agad magiging kayo. Siguro paglipas ng ilang taon, magkikita ulit kayo sa isang flower shop at tatanungin mo siya kung anong magandang pangregalo sa kaarawan ng nanay mo. Marahil nauwi sa madalas na pagbisita sa flower shop at pakape-kape sa labas ang ligawan ninyo. Maaaring paglipas ng ilang taon pang pagsasama, ikakasal din kayo sa isang malaking simbahan kung saan siya maglalakad ng naka-traje de boda, at hindi sa huwes habang naka-T-shirt at pantaloon lang ang mga ninong at ninang, at hindi galing sa sanglaan ang mga sing-sing. Siguro pagbalik ninyo galing sa anim na buwang bakasyon ay mayroon na kayong honeymoon baby. Paglipas pa ng ilang taon, naglalakad na ang anak ninyo at may sarili na kayong bahay at kotse tulad ngayon. Marahil hndi magiging mahirap ang makarating sa ganoong estado sa buhay di tulad ng pinagdaanan mo.

Hindi ka siguro nawalan ng oras sa kanya. Hindi ka sana naghihintay ngayon sa wala.

"Pero siguro nga, kapalaran pa rin ang masusunod sa huli."

Iyan ang tanging lumabas sa iyong bibig pagkatapos ng mahabang pananahimik ng makita mo siya sa loob ng kotse ng iba. Hindi pala siya umalis ng bansa. Iniwan niya lang ang kanyang asawa… iniwan ka lang niya.