~Ang Musika ng Kabataang Pag-Ibig~

"Gusto mo talaga si Wen Jun, diba?" Tanong ng aking kaibigang si Mei Mei habang nakangiti.

"Syempre hindi! Paano naman yan mangyayari? Paano naman ako magkakakrush sa kanya?" Sabi ko sa kanya. "Talagang tinitingala ko lamang siya! Mabuting kaibigan ko siya, kaya natural lamang na suportahan ko siya. Tignan mo! Siya ang 1st honor sa buong klase! Hindi lang siya matalino, napakagaling din niyang magbasketbol, sumayaw at magguhit ng mga larawan! Napanalunan din niya ang paligsahang kantahan sa paaralan natin at nakatamo ng pangalawang gantimpala! Tinuturing niya ang lahat ng tao na may respeto, at siya rin ay napakamapagpakumbaba. Syempre gusto siya ng lahat! Anong klaseng tao ang hindi siya magugustuhan?"

"Malamang alam ko yan, Xiao Hua! Pero napapansin ko rin na…tinititigan mo siya lagi sa klase!" Sabi ulit ni Mei Mei.

Naramdaman kong pumupula ang aking pisngi. Tumibok ang aking puso. Hindi pa rin ako sumasang-ayon sa mga walang basehang paratang niya sa akin. Wala akong pakialam sa sinasabi ni Mei Mei.

Lahat ng iyon ay kalokohan.

Pero hindi ako pwede magsinungaling sa aking sarili! Tuwing nakikita ko siya, kinakabahan ako. Tuwing nginingitian niya ako, pakiramdam ko parang mahihimatay na ako. Hindi ko lang siya gusto dahil sa kanyang kagwapuhan, gustung-gusto ko din tuwing hinihikayat niya akong gumawa ng isang bagay. Hindi ako naniwala sa aking sariling abilidad noon, ngunit ngayon iba na ang pananaw ko sa aking sarili. Ngayon mas matapang na akong humaharap sa mga problema. At bakit? Lahat ng ito ay dahil sa kanya. Dahil sa kanya.

Pero, natatakot pa rin ako. Natatakot na makita niya ang aking maliliit na kamalian.

Sa susunod na lingo, magkakaroon ng isang paligsahang kantahan sa aming paaralan. Mula noong nasa kinder pa lang ako, hilig ko na ang kumanta. Lagi ako kumakanta sa bahay. Mahilig ako sa mga Japanese, Korean, American at Taiwanese na mga kanta. Gusto ko talagang subukan kung ano ang pakiramdam ng sumali ng isang paligsahang kantahan. Ngunit, pinayuhan ako ng aking mga magulang, mga kapatid at mga kaibigan na huwag na sumali. At bakit naman? Ito ay dahil ayon sa kanila, hindi naman daw kagandahan ang boses ko. Nababagay lang raw sa kubeta ang boses ko. Tiyak na matatalo lang ako. Kung umakyat pa rin ako sa entablado at kumanta, pagtatawanan lang ako ng lahat ng tao. Nasaktan talaga ako sa mga sinabi nila. Napakalungkot ko. Sabi nilang lahat na matalino ako, pero hindi ko kayang kumanta. Dapat pagbutihan ko na lamang ang aking pag-aaral, makakuha ng matataas na mga marka, at huwag nang maabala pa sa ibang bagay. Lalo na ang walang kakuwenta-kuwentang pangarap kong kumanta.

Wala na ba talaga akong pag-asang kumanta? Hindi na ba ako pwedeng magsanay? Baka mahasa pa ang aking pagkanta balang araw? Naramdaman kong unti-unting tumutulo ang aking mga luha sa aking pisngi. Bigla, hindi ko naakala na, ang kinahahangaan ko na kaibigan, si Wen Jun ay dumating. At tinabihan niya ako. Naisip ko, binigyan talaga siya ng kanyang mga magulang ng isang napakagandang pangalan. Wen Jun. Bagay talaga ang pangalan na iyon sa kanya. Napakamaginoo ang trato niya sa lahat ng tao [wen rou]; napakagwapo [ying jun] din niya. Tumibok muli ang aking puso noong pinunas niya ang luha sa aking pisngi. Nahihiya kong tinitigan ang kanyang malalaki ang maiitim na mga mata.

"Xiao Hua, bakit ka umiiyak?" Napakahina niyang inanong niya sa akin. Noong panahong iyon, hindi ko na mapigilan ang aking sarili at sinabi ko sa kanya ang katotohanan sa buong isyu. Maigi niya akong pinakinggan, mula simula hanggang huli.

Matapos kong magsalita, nakaramdam ako ng matinding hiya. Akala ko'y pagtatawanan niya ako. Ngunit, mali ang akala ko. Nahiya ako sa aking sarili dahil ganoon na lamang ang tingin ko sa kanya. Talaga bang inakala ko na pagtatawanan ako ng maginoong ito? Imposible! Hindi siya ganoong klaseng tao.

"Wag mong hayaang pigilan ka nila sa iyong mga pangarap." Bigla niyang pinaalala sa akin; kumabog ang aking puso noong sinabi niya ito.

"Hah? Ano ang ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tinanong sa kanya.

"Gusto mong sumali sa paligsahan, di ba?" Naniniguradong tinanong niya sa akin.

"Tama ka. Pero, hindi ko kayang kumanta… sa totoo lang, hindi ako marunong!" Binulong ko.

"Lahat naman pwede matuto. Kahit sino rin ay pwedeng mahasa ang abilidad. Ang sabihing hindi mo kaya ay kalokohan!" Inuudyok niyang sinabi sa akin. Naramdaman kong na napatibok niya muli ang aking puso. Alam kong hindi ito ang unang pagkakataon. Nabago niya ang aking mga pananaw mula noon. Ngayon, nagawa niya iyon ulit.

"Pero, sino magtuturo sa akin?" Nag-aalala kong tinanong sa kanya.

"Ako. Kaya kitang turuan."

Nakakabaliw ang pagkabog ng akong puso sa aking dibdib.

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Nagyon na ang araw ng paligsahan. Noong mga oras na iyon, napakakabado ako! Ngunit, bigla akong nilapitan ni Wen Jun at mahinang binulong . "Huwag ka masyadong nerbosa. Dahan-dahan ka lang huminga. Siguradong magagawa mo iyon ng maayos. Tandaan mo, maniwala ka sa sarili mong abilidad. Huwag mong kalilimutan ang mga itinuro ko sa inyo. Kapag kumanta ka, ibuga mo ang iyong boses mula sa abdo. Kung hindi mo maabot ang matataas na mga nota, okey lang. Gamitin mo ang mababa mong boses sa pagkanta. Ang kantang pinili ko para sa iyo ay hindi kataasan; kaya huwag kang mag-alala. Ika'y…"

Walang tigil na hinihikayat at pinapaalala ako ni Wen Jun. Lagi niya akong sinisigurado… na ako'y makakakanta ng maayos. Napansin kong mas kabado pa siya kasya sa akin! Para bang nag-aalala siya para sa akin.

"Opo, titser." Patawa kong sinabi. "Parang mas kabado ka pa kaysa sa akin ah!"

"Di noh! Sige. Umakyat ka na sa entablado. Huwag mong kalilimutan, lagi kitang susuportahan. Manalo o matalo, okey lang yun. Tandaan, mapapanuod ng iyong mga magulang, mga kaibigan, at ang buong paaralan kumakanta sa unang pagkakataon."

"Alam ko iyon." Nginitian ko siya at umakyat sa entablado. "Gugulatin ko sila. Papasayahin ko sila."

Nakatungtong na ako sa wakas sa entablado. Mabibigat ang aking pag-apak. Medyo natatakot ako, ngunit, noong nakita ko si Wen Jun na tinititigan ako, nagging matapang na ako. Hindi na ako takot. Nakita ko na punung-puno ng tao ang bulwagan. Talagang mapapakinggan akong kumanta ng buong eskwelahan! Talagang magtatagumapy ako! Kailangan kong kumanta ng mabuti, kung hindi, madidismaya si Wen Jun sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata, at huminga ng malalim, at kumanta.

Hindi pa ako tapos kumanta, ngunit madami nang tao ang nagsipalakpakan. May mga iba namanna tumayo at sumisigaw ng paghanga sa akin.

"Hinahangaan ka namin!"

"Masyado kang magaling kumanta!"

"Ang laki ng binagbago ng boses mo! Gumanda!"

Hindi tumigil ang mga luha ko na dumaloy mula sa aking mga mata. Napakasaya ko. Ito na ang pinakamasaya at pinakamemorable na yugto ng aking buhay! Pakiramdam ko'y tila ako'y nasa itaas ng mga ulap. Sa wakas, natamo ko na ang aking pangarap! At itong lahat ay dahil kay… Wen Jun!

Sa huli, hindi ako nanalo, pero wala akong pinagsisisihan. Alam kong ginawa ko ang lahat ng aking makakaya. Nagsumikap ako. Ang aking mga magulang at mga kaibigan ay sumusuporta sa akin. Nagustuhan nilang lahat ang aking kinanta. Pinasaya ko sila.

Hindi kong mapigilang ngumiti.

Pero, ang kantang kinanta ko ay ang sikat na kanta ng bandang Fahrenheit, "Hindi Kayang Mahalin".

Napag-isip-isip ako. Baka tinuturin ako ni Wen Jun bilang isang kaibigan. Hindi niya akong kayang mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Natandaan ko ang isang linya mula sa kanta.

Hindi mo ako kayang mahalin katulad ng pag-ibig ko sa iyo, naiintindihan ko.

Noong nakaramdam na ako ng lungkot, di ko namalayan, tumakbo si Wen Jun patungo sa akin at yinakap ako ng mahigpit. Habang nakasandal sa kanyang katawan, tumibok nanaman ang aking puso. Nagulantang talaga ako.

"Xiao Hua, baka hindi mo pa alam, pero…" Nerbyos niyang sinabi sa akin.

"Ano iyon?" Nagtataka kong tinanong.

"Iniibig kita. Mahal na mahal kita." Napakamarahan niyang sinabi. Pagkataps noon, malambing niyang hinalikan ang aking mga labi.

Naramdaman ko ang matinding pagmamahal niya sa akin.

Doon ko namalayan,

Si Wen Jun ang aking tunay na pangarap.

~Katapusan~

Isinalin ko ang kwentong ito mula sa Tsinong kwentong "年輕愛的音樂"na isinulat ko noong Mayo 2, 2012. Isinalin koi to sa Ingles isang araw matapos itong maisulat. Kakatapos ko lang isalin ito sa wikang Filipino sa Mayo 25, 2012. Sana'y nagustuhan ninyo ito.