Nakita mo siyang umiiyak
Ngunit hindi mo mayakap
Dahil alam mo ang dahilan ng kanyang pag-iyak
At hindi ikaw, hindi ikaw ang dahilan.

Nakita mo siyang umiiyak
At tahimik na sinabing, "tahan na"
Pero gusto mong isigaw sa kanya,
"nandito ako, nandito para sayo"

Nakita mo siyang umiiyak
Lungkot at sakit, kanyang nadarama
Habang napupuno ka ng galit at labis na nasasaktan
At sa isip sinasambit, "mahal kita, bakit siya pa?"