sino ka ba sa akin?
hinahangaan?
bakit?
ang tanong ko minsan sa sarili
sino ka ba?
isa ka bang taong mahalaga?

di man aminin
hinahanap hanap ka
nasasabik kapag nariyan ka
matutuwang hindi maipaliwanag

sino ka ba?

isang lihim na pagtinigin?
kaya ba sumasaya ako kapag iyong napapansin?
napapangiti
minsan lumulukso, nadarama ko ang pagpintig
minsan laman ka ng isip
(na yung) minsan dumadalas din
bakit?

sino ka ba?

ano ba itong nadarama
tila lumulutang sa hangin
emosyong kinukubli
misteryosong damdamin
tila batang gustong sumigaw ng...
o ako'y nadadala lang ng mapaglarong isip?

sino ka ba?
mahalaga ka ba sakin?