hindi ka naman star
pero yun ang tingin ko sayo
ang hirap mo kasing abutin
lahat nakatingala sayo
humahanga, umiibig
ano ba naman ang laban ko sa isang bituin

sabi ko hindi na
hindi ko na lang papansinin
iiwasan ang mga matang kahit maghapon pagmasdan, di pagsasawaan
iiwasan ang ngiti mong 'sing liwanag ng araw
o aking bituin
kailan ma'y di akin
nakakapagod, ang hirap mo namang mahalin
mahirap kang abutin