Nasaan ang Prinsesa?

Mayroon isang malabata na Prinsesa na labinlimang taong na gulang, si Ahtnamas mula sa isang malayong kaharian na nawawala gabi-gabi ngunit walang makapagsabi kung saan ito pumupunta.

Isang araw, ang kanyang amang si Hari Alejandro ay nais na malaman kung saan pumupunta ang prinsesa bawat gabi, Kaya siya'y nagpabalita sa mga lalake ng kanyang kaharian na kung sino man ay maaaring makapagturo kung saan pumupunta ang kanyang anak gabi-gabi ay ipagpapamana ng hari ang kalahati ng kanyang kaharian at kung binata man ito ay ipapakasal sa Prinsesa. Ngunit kung mali ang itinurong lugar, mapupugutan ng ulo ang mga ito.

Ang daming dumating upang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanan na matatanto ngunit dahil napakamaganda raw ang Prinsesa. Galing sa iba't ibang mga lahi ang mga sumubok ngunit lahat ay nabigo. Wala pa rin makapagsabi kung nasaan pumupunta yung Prinsesa sa hating gabi.

May isang labing anim na gulang na si Adrian. Galing siya sa isang mahirap ngunit masayahin na pamilya. Dati siyang nagtrabaho sa palasyo nuong walong taong gulang lamang siya. Tinutulungan niya ang kanyang nakakatandang tiya sa mga gawaing bahay.

Naging matalik na magkakaibigan ang Prinsesa at si Adrian nuong bata pa sila. Lagi sila naglalaro pagkatapos na magaral ang Prinsesa. Mahilig silang sumakay sa puting kabayong si calliope.

Tinuruan pa nga ng Prinsesa si Adrian na magbasa and mag sulat, at lagi nalang napapasaya ni Adrian yung Prinsesa pag ito'y malungkot sa pamamagitan ng pagsasayaw nilang dalawa, subalit, nung namatay ang tiya ni Adrian dahil sa isang sakit hindi na siya pinagnagpatuloy ng kanyang ina sa pagtratrabaho at hindi na din niya nakita ang Prinsesa muli.

Narinig ni Adrian ang tungkol sa dating kaibigan at ito'y pumunta kagad sa palasyo.

"Mahal na hari, sigurado ho ako na maituturo ko po kung saan lagi pumupunta si Prinsesa Ahtnamas."

Hindi naniniwala ang hari na magtatagumpay and binatang si Adrian ngunit binigyan pa rin niya ito ng pagkakataon sumubok na magtagumpay.

Nung gabing iyon pumunta si Adrian sa isang kuweba sa malalim na gubat at naghintay siya nakahilig sa dingding ng kuweba.

Tama ang inakala niya. May nakita siyang isang dalagita na nakasakay sa isang kabayo na maputing maputi. Nagtago muna si Adrian sa likod ng malaking bato.

Hindi napansin ng Prinsesa si Adrian at dahandahan itong bumaba sa kabayo at pumasok sa kuweba.

Naalala ni Adrian ang mga pagkakataon na sinamahan niya ang kanyang kaibigan sa kuwebang iyon noong napakalungkot ang Prinsesa at Karaniwang dito sila naguusap ng malubha.

Pinagmasdan muna ni Adrian si Ahtnamas. 'Aba! wala masyadong nagbago sa itsura ni Ahtna.' Sabi niya sa sarili.

'Maputi pa rin siya, ang buhok niya na kayumaggi ay parang sutla, ang mga mata niyang asul ay kaakit-akit. Ang cute-cute niya dati pero ngayon ang ganda ganda na niya.'

Pinanuod ni Adrian and Prinsesa habang ito'y nagalis ng isang tela na nasa pagitan ng dalawang mapabilog na bato at kinuha niya ang isang byolin at tumugtog ng musika.

Napansin ni Adrian na alam na alam niya yung tono ng tinutugtog ng Prinsesa.

'Yan ang melodya ginagamit namin nung bata kami para sumayaw.' Sabi ni Adrian.

Umalik-ik si Adrian nung biglang sumayaw ang Prinsesa habang tumutugtog. Nagpakita na si Adrian sa wakas. Lumabas siya sa mga anino at lumapit sa kanyang dating kaibigan.

Napatigil and Prinsesa sa pagsayaw nung naramdaman niyang may ibang tao pa kuweba.

"Bakit ka tumigil sa pagsayaw Prinsesa?" Tanong ni Adrian na may mapaglarong pagngisi.

"S-sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Ang Prinsesa ay nag tanong, Ang takot ay malinaw sa kanyang mukha.

"Hindi mo ba ako nakikilala, Ahtna? Aba, talaga bang sobrang mahaba ang panahon na hindi tayo nagkita, sinisinta?" Bumiro ng binata.

"Adrian?" tanong ng prinsesa.

Hindi siya makapaniwala na itong lalaki na nasa unahan niya ay ang dati niyang matilik na kaibigan at sekretong minamahal.

"Oo, Ako nga ito." Tugon ni Adrian.

"Rian!" sumunggab ang Prinsesa sa mga braso ni Adrian ng tuwang-tuwa.

"Akala ko hindi na kita makikita muli." Iyak ng prinsesa.

"Matagal ako nagdasal na sana bumalik ang mahal kong kaibigan at ngayon nandito ka na wala akong ibang masabi." Ngumiti ang Prinsesa sa tuwa.

"May ipagtatapat ako sa iyo, Ahtna." Sabi ni Rian, hindi niya inabot ang tingin ng Prinsesa.

"Ang mahal na hari ay nagpabalita ng isang paligsahan. Kung sino man daw ay makakapagturo kung saan ka pumupunta gabi-gabi ay ipapamana ng hari ang hati ng kaharian at magiging bago mong asawa. Sumali ako kasi sigurado ako na alam ko kung saan ka pumupunta." Umamin si Adrian

"Sasabihin mo ba sa mahal na itay? Ang kuwebang ito ay ang tanging lugar na pwede akong tumakas sa mga responsibilidad ng buhay Prinsesa. Pag nalaman nila na dito ako pumupunta sa puso ng kagubatan, tiyak na hindi na ako palalabasin ng palasyo ni tatay."

"Ang mga nabigo sa pagsasabi ng tamang kinalalagayan mo ay pinugutan ng ulo." Ang sabi ni Adrian.

"Ano? Bakit ka pa sumali? Ayokong mamatay ka!" sunod sunod na luha ay tumulo sa mga mata ng prinsesa.

"Huwag kang umiyak." Pinunasan ni Adrian ang mga luha ni Ahtnamas gamit ang hinlalaki niya.

"Alam mo naman na ayaw na ayaw kong makitang malungkot ka." Ang sabi ni Adrian.

"Pero…eh…sige sabihin mo sa itay kung saan ako naglalakbay gabi gabi ayokong mawala ka saakin muli. Naranasan ko na yun ng isang beses, ayokong maulit pa yun." Sigaw ng prinsesa.

Niyakap ni Adrian ang Prinsesa ng mabuti.

"Hindi kita iiwan Ahtna, lagi Lang ako nandito para sayo. Pero paano ang kalahati ng kaharian? Alam mo naman na wala akong pake sa iyon." Sabi ni Rian.

"Sa iyo na. Tanggapin mo ang premyo mo. Mas mahimbing ang tulog ko kung alam kong kilalang kilala ko ang tagapagmana ng kalahati ng kaharian na magiging saakin din."

"Sige, ngunit Hindi mo ako kailangan pakasalan Kung hindi mo gusto. Masya na ako na nagkita muli tayo at ako pa rin ang mabuti mong kaibigan."

Napangiti ang Prinsesa at tinignan niya si Rian sa mata.

"Oo naman. Pero hindi ko naman sinabi na ayaw kong magpakasal sa iyo." Napanghibo na sabi ng prinsesa.

Bumalik si Adrian at Ahtnamas sa palasyo gamit ang kabayong si Calliope at sinabi ni Adrian sa hari kung saan niya nahanap ang Prinsesa. Nagulat yung hari na si Adrian nga ang nagtagumpay.

"Binibigay ko sa iyo ang kalahati ng kaharian ko at ang kamay ng aking anak para sa kasal." Ang sabi ng hari.

Hindi naman pinagbawalan ng hari ang kanyang anak na bumalik sa kuweba, maaari pang pumunta ang Prinsesa sa kanyang mahal na kuweba kung kasama niya lagi and bagong kasintahan.

Pagkalipas ng dalawa't kalahating taon nagpakasal na ang dalawa. Mahal na mahal nila ang bawat isa na nagpasya silang maghintay ng kaunting panahon pa dahil bata pa lamang naman din sila.

Magkasama silang pinasiyahan ang kaharian pagkatapos ng kanilang kasal. Napaangat ni Adrian ang mga magulang sa hirap at nagging Duke and tatay niya at Dutchess naman ang kanyang nanay.

Maligayang magkasintahan ang dalawa at maunawang mga pinuno sa kaharian. Lagi nalang Pinapasay ni Adrian and kanyang asawa pag ito'y malungkot at tuloy tuloy nila ipinapakita ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Wakas