From the Author: This is a very short story I wrote for Filipino class. Sorry for the Google Translate Japanese. I will release an English translation eventually...

Hukbalahap at Makapili
ni Diego Magallona

Lungsod ng Angeles, Pampanga, Hulyo, 1944. Malaking parte ng Pilipinas ay ibinalik na sa kamay ng Pilipino, salamat sa epektibong pagtutol ng mga grupo ng gerilya tulad ng Hukbalahap, laban sa imperyo ng Hapon ay natatalo na, ngunit sa teritoryo na kontrollado pa rin nila, tuloy ang opresyon nila sa Pilipino, at tuloy pa rin ang kooperasyon ng Makapili sa Hapones. Ang mga Makapili ay ang mga Pilipino na sinusuportahan ng mga Hapones sa pamamagitan ng pagtuturo ng pagkakakilanlan ng Pilipino gerilya sa mga Hapones. Nagsusuot sila ng bayong sa ulo nila sa publiko para hindi sila makilala

Mahirap ang buhay kung ang tatay mo ay Pilipino at ang nanay mo ay Hapones. Hindi nagtitiwala ang mga kapwa Pilipino sa akin, pero sa simula lang iyan. Pinatunayan ko na tunay na Pilipino ako. Ngayong gabi, Ako at si Anais Balagtas, isang Hukbalahap na galing sa Nueva Ecija, ay nandito sa Angeles City, Pampanga.

"Ano ang pangalan mo, uli?" ang bulong niya sa akin.

"Lorenzo Florentino, po. Bakit pa sa Barangay Sapang Bato? Ang lapit-lapit nito sa Angeles! Ang daming sundalong Hapon diyan!"

"Mas marami ata ang Hapones sa Stotsenburg, hahaha. Tara!"

Ang Fort Stostsenburg ay ang isang paliparan ng mga Amerikano na nasakop ng Hapones noong 1941. Ang plano ng Hukbalahap ay pasabugin lahat ang eroplano ng Hapones dito. Nilapitan namin ang dalawang sundalong Hapones na nagbabantay sa isang pasukan ng barangay. Gumawa ng isang hangal na ingay si Ana. Sinubukan niya atang gumawa ng kanta ng ibon. Samantala, nag-imbestiga ang dalawang Hapones at sinakal namin sila ng tahimik. Pumasok kami sa Barangay Sapang Bato; ang aking tahanan.

"Nandito pa rin kaya ang Nanay ko at kapatid kong babae..." ang sinabi ko sa sarili.

"Shhh," ang sabi ni Ana sakin, "Alam mo may curfew ang Hapones dito? Tumahimik ka nga!"

"Pwedeng magsuot na lang tayo ang uniporme ng Hapon na pinatay natin kanina?" iminungkahi ko.

"At saan mo nakita ang isang babaeng sundalong Hapon?"

"Mas-nakakakumbinsi naman ito kaysa sa suot mo ngayon. Bukod pa riyan, madilim ngayong gabi."

"Sige. Balik tayo, bilis!"

Pagkatapos palitan ang damit namin, naghiwalay kami. Si Ana ay sisiyasatin ang paliparan sa Stotsenberg, at ako naman ay hahanapin ang daan para makatakas kung kami ay nakompromiso. Sa paglalakad ko, dumaan ako sa kalye ko, para tingnan lang kung nandiyan pa rin ang pamilya ko. Nakita ko ang tahanan ko, sa unang pagkakataon sa tatlong taon. Nandiyan pa kaya sila? Tumayo ako sa harap ng tahanan, nerbiyoso ako kasi baka hindi na diyan ang pamilya ko. Narining ako ng yabag sa kalye at tumingin ako sa kanan ko. Nakita ko ang isang hugis ng tao na nawala sa isang eskinita

"May sumusunod sa akin..." bumulong ako sa sarili.

Naglakad ako patungong isa pang eskinita na mas malayo, para mahuli ko ang tagahabol ko. Umikot ako sa eskinita, at sa gitna ng haba ng eskinitaa, tumalikod ako at hinugot ko ang pistola ko sa tao. Sa gulat ko, may pistola rin siya na itinuturo sa ulo ko.

"Lorenzo?" ang tinanong niya.

"Kato?!" ang reaksyon ko sa kaniya, "Kapatid, nandito ka pa rin pala!"

"Oo, Kuya Lorenzo. Bakit ka bumalik? Ang maalala kong sinabi mo noong namatay si Tatay, na hindi ka babalik."

"Ano ang ginawa mo, Kato?"

"Natakot ako, Kuya. Noong dumating ang Hapones sa Angeles, gumawa ako ang kinakailangan para maligtas ang pamilya natin."

"Makapili ka?!"

"Wala akong sinabi, Kuya," ang sagot niya, ngunit alam ko na, sa tono ng boses niya at ang pawis na tumutulo sa ulo niya.

"Umalis ka, Kuya. Alam ko na Hukbalahap ka. Walang awa ang mga Hapones, Lorenzo. Kinuha na ata ang kaibigan mo..."

"Bakit? Bakit ba, Kato?"

"Wala kang pagkakataon."

"Anong kaululan ang sinasabi mo?! Hindi mo ba narining ang balita sa Midway?! Sa Guadalcanal?! Sa Europa?! Wala na ang Italiya! Natatalo na ang Alemanya! At susundin ang Hapon!"

"Mamamatay tayong lahat bago mangyari iyon. Kung gusto mo, umalis ka na. Walang awa ang mga Hapon na ito. Buti na lang ako ang pinahuli sa iyo."

Hindi na ako sumagot. Traydor ang kapatid ko. Tumalikod ako at tumakbo ako patungo sa paliparan, ngunit sa takot ko, hindi ko napansin ang tatlong guwardyang Hapon na naghihintay sa kalye. Nasunggaban ako, at hindi ako matakas o manalo, kahit anong gawin ko.

"Betchot mo! Leche!" ang sigaw ko, tapos tinamaan ako sa ulo, gamit ang likod ng riple. Dumura ako. Mas maraming Hapones ang nagdumating, kasama ni Kato. Marunong akong mag-Nippongo ng konti, kaya't naunawaan ko ang sinasabi nila.

"Ano hito dare?(Sino siya?)" ang tanong ng isang Hapon kay Kato.

"Kare wa watashi no anidesu...(Siya ang Kuya ko.)"

"Kare to shojo was asunoasa no nakaniwa ni nokori o sankashimasu! (Siya at ang babae ay sasama sa iba sa patyo bukas ng umaga!)" ang utos ng tenyenteng Hapones.

"Hai, Rikugun Chui! (Opo, Tenyente!)" ang sagot nt Kato at ang mga sundalo.

Nagising ako sa isang pansamantalang piitan sa Barangay Sapang Bato. Mamamatay ako sa barangay na kung saan ako isinilang, salamat sa kapatid ko. Kinuha nila ako at naglakad kami papunta sa patyo ng barangay, kasama ng ibang lalaki, at si Ana. Dumating kami sa patyo, at maraming mga Hapones na naroon. Meron din mga tao na nabubuhay sa barangay. Nandito sila para panoorin ang kamatayan natin. Nakita ko ang nanay at kapatid kong babae. Kasama nila ang Tenyenteng Hapones at ibang sundalong Hapon. May isang Makapili diyan, na magsusuot ng bayong niya sa ulo niya. Ngunit hindi makatago si Kato sa akin. Pumila tayong mga bilanggo sa gitna ng patyo, sa utos ng Hapones. Sumigaw ang Tenyente ng isang pangungusap sa Nippongo. Hindi ko maunawaan ang sinabi niya. Ang Makapili, si Kato, ay tumayo sa harap ng pila, at tinuro niya gamit ang daliri niya, ang mga gerilya at kalaban ng Hapones. Ang una ay si Anais. Si Ana ay sinampal sa mukha.

"Ana!" ang sigaw ko.

"Tayo rin ang magdidiwang pagkatapos ng araw na ito. Hindi nila alam na inilagay ko ang eksplosibo sa garahe ng eroplano nila. Hahahaha."

Binaril si Ana sa ulo ng tatlong beses. Tumatawa siya habang namatay siya. Narining ni Kato ang sinabi niya, at sumigaw siya sa mga Hapones,

"Kanojo wa kakunoko de bakuhatsu-mono o irete! Sorera o mitsukete kudasai!"

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito, ngunit, ito ang sinabi ko kay Kato,

"Kato, tanggalin mo ang bayong na iyan. Hindi ka makatatago sa akin," ang sinabi ko sa kanya.

Tinanggal niya ang bayong niya.

"Kato Florentino, Makapili! Tagahanga ng Hapones! Traydor!"

Ang sinabi ng Tenyente kay Kato pagkatapos nito:

"Kare o utsu (Barilin mo siya.)"

"Kare wa watashi wa anida! (Kapatid ko siya!)"

Tumalikod ang Tenyente at binaril niya ang ina natin. Buhay pa siya, pero masakit tingnan ang ina mong sa sakit at wala kang pwedeng magawa.

"Anata ga kare o satsuei shite inai baai wa, anata no imoto wa shindeshimau shi, sonogo, futari wa shitagaimasu! (Kung hindi mo siya mabaril, mamatay rin ang masbatang kapatid mo, pagkatapos, ikaw naman at ang Kuya mo!)"

"Gawin mo na, Kato. Mas-ayos kung ako lang ang mamatay. Isipin mo ang kapatid natin. Isipin mo si Nanay. Isipin mo ang sarili mo."

Boom! Sumabog ang isang bahagi ng paliparan sa Fort Stotsenberg. Malakas ang pagsabog, at sumuray-suray ang Tenyente at ibang tao. Narining ako ang sigaw ng maraming boses,

"Sugod!"

Dumating ang mga kasundalo ko. Nandito ang Hukbalahap. Marami sila. Ang iba nga, walang baril, itak at kutsilyo lamang. Kasama sa sugod nila ang sigaw na "Mabuhay Pilipinas" at ang putok ng baril nila.

"Tenno Heika Banzai!" ang pasigaw na sagot ng Hapones.

Sa kaguluhan ng labanan, nakuha ko ang ina at kapatid kong babae. Naligtas sila. Binigyan ako ng itak para makasama ako sa laban. Lumaban ako sa isang Hapones na may katana, ang espada ng Hapon. Mas magaling siya sa akin. Natumba at muntik na naitak ako, ngunit iniligtas ako...ni Kato. Tumakbo siya sa akin at tinulak niya ang Hapon bago sinaksak niya ito gamit ang balisong niya. Umabot ang kamay niya sa akin, at sa hawak ko, nabaril si Kato. Binutas ang likod niya. Lumabas ang bala sa dibdib niya. Nahulog si Kato sa ibabaw ko, at biglang umiyak ako. Nadama ko na tumtiibok pa ang puso niya. Tumayo ako at dinala ko siya sa labas ng barangay, kung saan walang laban.

"Kato, bakit?! Bakit ka gumawa iyan!"

"Kasi, Kuya...Ako si Kato Florentino, Hapones, Pilipino, at Kapatid mo."

Mahigpit na pagkakahawak ang kamay natin. Wala na tayong gustong sabihin. Ngumiti si Kato sa isang huling beses, at namatay siya. Nahanap niya ng magandang kapayapaan sa isang kakila-kilabot na digmaan.