Hello po! So ito, first time ko magtry-try na magsulat ng chaptered na kwento...at Tagalog pa! An saya XD so ayun...medyo tungkol to sa ginawa namin ng isang kaibigan ko, ulit. Hahaha basta, sana naman magustohan ninyo. Try ko talagang matapos to. And please lang, review din kayo po! Salamat!

TORN BETWEEN EACH OTHER: PROLOGUE

Robles, Hernandez, Gatchalian, at Waters. Mga pamilyang binigyan ng anak...mga mahuhusay, matalino, at talagang may pagkatanga. Ang apat na ito ay may sariling identity at nagdadala ng kani-kanilang pangalan...ngunit, karangalan ng ba ang kanilang maibibigay?


Serena Robles. Matalino, masipag, maganda. Ito ang mga pumapasok sa utak ng mga estudyante ng kanilang paaralan. Siya ay ang pinakamatalinong studyante roon. President eng kanilang Student Body Council, isang mahusay na mananayaw, at laging pipinipiling lumalabas sa kung ano anong kumpetisyon.

Matalino nga, pero hinding hindi nawawalan ng oras para sa kanyang mga kaibigan. Oo, isa siya sa may pinakamaraming kaibigan sa kanilang magkaklase. Bakit naman hindi? Siya ay mabait, matulungin at maaring lapitan tuwing may problema.

Masaya din siyang pagtripan. Palibhasa kasi, madaling magulat, lagi pa namang sumisigaw tuwing nangyayari ito. Medyo madaling mapikon at hindi sumasagot, siya ang laging pinpupuntahan ng tao tuwing gusto nila mang-trip dahil wala lang silang magawa.

Marami-rami na din ang mga nanligaw sa kanya…or sumubok man lang. Bihira niya sinasagot. Mahalaga kasi sa kanya ang kanyang mga grades, kaya't ayaw niyang magkaroon ng distraction. Kahit kung may gusto naman din siya, tinatangihan niya.

Palibhasa kasi, ang mga nanligaw sa kanya bago siya mag-graduate ng high school, iilang araw lang sila magkakilala, nagsimula na. Hindi naman siya yung klaseng tao na mabilis nagkakagusto, kaya't madali lang sa kanya na i-busted sila. Sila naman din, madaling nakakapag-move on sa kanya.

Isang beses lang siyan nakaranas ng konteng – konteng konteng KONTENG – pagduda sa kanyang nararamdaman.

Noong taon na gragraduate na siya ng high school, nagulat siyang ng malaman na ang kanyang pinakamalapit na kaibigang lalaki – since first year pa sila malapit sa isa't isa – ay nagkaroon ng konteng crush sa kanya. Inamin naman niya, at alam ng karamihan ng mga kaibigan nila. Gino ang pangalan.

Ngunit, parang nagkaroon din siya ng konteng feelings sa kanya. Hindi siya sigurado dito. Oo, baka more than friends na nga ang feel niya, ngunit ayaw niyang lumampas pa dun. Kaya't tuwing inaasar siya ng kaibigan niyang si Diana, ang sagot niya ay lagi "Baka maging distraction lang ito, diba?" Ito din ang mga naiisip niya. Meant-to-be ba sila, or friends lang talaga? Tsaka, kung naging sila at nag-break, sayang friendship nila, diba? Masyadong mahalaga para sa kanya ito. Baka mawala lang...

Tsaka, inamin naman ng lalaki na may gusto siya, ngunit, hindi naman nanligaw. Bakit ba siya maghahabol? Siya ang babae, dapat ang lalaki ang mauuna, diba?

Ganun nga ang nangyari, at pagkatapos ng kanilang graduation, naghiwahiwalay na sila. Iba ang university na pinasukan nila, at hindi na sila nagkikita.

Ngunit, ganun pa ba din ang nararamdaman niya?


Diana Hernandez. Mainit ang ulo, biolente, pormang lalaki, No Boyfriend Since Birth. Sa kanilang klase, tinuturi siyan isang lalaki. Hindi manlang marunong magsuot ng make up, takot sa eyeliner. Daig pa siya ng ibang lalaki, dahil hindi din siya gumagamit ng pulbos.

Mabait naman siya, at swerte tuwing nachempohan na masaya. Handa siya laging makipagusap at matapat sa kaibigan. Ipinagtatanggol niya ang kanyang mga paniniwala at ng kanyang mga kasamahan.

Ewan ng mga kaibigan niya kung bakit, pero mahilig siyang manood ng penikulang action. Mahilig din siya manood ng documentary sa History, Discovery at National Geographics na tungkol sa mga digmaan at armas. Gusto niyang makapagaral ng iba't ibang self defence arts, ngunit kulang ng pera at ayaw payagan ng magulang. Dahil siguro dun, madalas siyang nagaaral magisa at minsan linalabas ito ng wala sa oras.

Ito siguro ang dahilan kung bakit wala pang lalaking nanligaw sa kanya. Pano ba naman, lalaki din ang turing ng tao sa kanya. Tuwing tinatanong naman siya tungkol sa crush at usapang pagibig, umaayaw at umaalis kaagad. Ayon sa kanya, wala siyang pake sa pagibig. Kahit kung alam niyang nagkakagusto siya sa isang lalaki, pinipilit niyang mawala ang kanyang nararamdaman sa lalaki.

Ayon din sa kanya, ayaw lamang niyang masaktan.

Kahit pagdating ng kolehiyo, ganun pa rin ang kanyang inipapakita. Pormang lalaki, ayaw manlang magsuot ng kahit anong damit na kulay pink. Ayaw pa rin magpakababae. Ang kanyang kaibigang si Serena ay naiinis na.

Tinatago pa rin niya ang katotohanan, kung talaga bang ganito lamang siya o may mashigit pa. Isang beses, inamin niya na gusto na niyang magkaroon ng kahit konteng love life, maranasan man lang ang pagmamahal. Ngunit, ano ba ang plano na niya?


Gino Gatchalian. Masipag, magkakumbaba, matalino, masayang kasama. Kahit noong bata pa siya, kilala siya bilang kaibigan ng lahat. Halos walang kaaway. Marunong siyang makisama, at mahaba ang pasensya sa tao.

Matalino siya. Hindi sa maraming alam, ngunit magaling at mahusay. Nagaaral naman siya, ngunit ang talagang advantage niya ay ang bilis ng kanyang utak. Nakakahanap siya lagi ng solusyon sa problema, tungkol man ito so math o sa totoong buhay.

Hindi naman siya mayabang. Kung tutuusin, ayaw niya laging makatangap ng kahit na anong karangalan. Ipinaparaya niya ito sa iba. Alam naman niyang magaling siya, ngunit ayaw niya itong gamitin para sa masama.

Kaya't kahit kung hindi siya ang Mr. Pogi ng mga kaibigan niya, marai din ang nagkakagusto sa kanya. Ngunit, hindi niya ito binibigyan pansin dahil ayaw niyang lumaki ang ulo niya.

Hindi naman din siya ganung ka seryoso sa mga nagugustuhan niyang babae. Madalas siyang magkaroon ng crush, at – hindi niya alam kung bakit – lagi itong nalalaman ng babae. Minsan, sinasabi niya, minsan hindi. Ngunit, hindi naman siya nanliligaw. Bale, crush lang talaga, at mabilis lang. Paiba-iba.

Minsan lang, kaya napapatagal ay dahil sa mga kaibigan niya. Syempre, may asaran, ngunit sila naman ang nagbibigay ng meaning. Kahit kung wala sa plano niya, may nangyayari.

Tulad ng huli niyang crush bago mag-graduate. Best friend niya na babae – Serena ang pangalan – tapos nagustuhan niya. Nagulat din siya ng malaman na may gusto din sa kanya.

Ngunit mabilis ang oras, at naghiwahiwalay na sila. Nakapasok siya sa kanyang unibersidad na pangarap, at nagging masaya siya dito. Nag-move on na ang kanyang buhay. Nagkaroon siya ng panibagong mga kaibigan. Isa nga ay Fil-Am na naging malapit sa kanya.

Ngunit minsan, tumitigil siya at napagiisipan, ano na ba ang nangyari sa kanyang mga lumang kaibigan? At si Serena, kamusta?


Zeph Waters. Bagong dating, Englishero, matalas ang dila, Fil-Am. Buong buhay niya, nakatira siya sa Amerika. Dito siya lumaki kasi ng kanyang pamilya. Ngunit, nagbago ang lahat ng sinabi ng kanyang magulang na babalik ang kanilang pamilya sa lupa ng kanilang mga ninuno: Ang Pilipinas.

Kahit papano, marunong naman siyang magtagalog, ngunit nalilito pa rin siya. Iba ang buhay sa Pilipinas. Magulo, maraming tao. Kailangan magingat.

Hindi siya sanay sa mga daan na punung puno ng mga tindera. Hindi siya marunong man lang mag-commute, mas lalo na sa mga jeep na napakarami sa kalye. Hindi siya sanay sa amoy usok ng hangin at sa siksikan ng tao.

Maslalo na ipinilit siyang mag-enroll sa isang kolehiyo iilang lingo lang ng kanilang paglipat sa bansa. Ngunit malapit na deadline sa mga entrance exam, at napilitan siyang magmadali.

Kahit papano, nakaswerte at pumasa siya sa isang kolehiyong malapit lang din sa kanilang pinaglipatan. Noong una, nahirapan siya mag-adjust. Lagi siyang tinatawanan dahil hirap siyang magsalita ng Tagalog at tanga siya pagdating sa mga bagay na normal lang sa Pilipino.

Ngunit, nakahanap siya ng kaibigan. Isang lalaking nagaaral maging architect. Sa kanya na lang siya umaasa para – kahit papano – may magawa naman siya habang nagaaral.

Pero kahit ganun, lagi niyang naaalala ang kanyang mga lumang kaibigan sa US. Iba pa rin ang mundo doon. Kahit na may kaibigan siya – Gino ang pangalan – hindi pa rin ito ang taong talagang tumutulong sa kanya.

Sana naman, makahanap siya ng taong talagang maitatawag niyang kaibigan. Yung talagang aabot sa expectations niya bilang kaibigan.

Ngunit, grabe naman din ang expectations niya. Kaibigan ba ang hanap, or ka-ibigan? At kung alin man, may tao bang ganun?


Sina Serena, Diana, Gino at Zeph ay apat na tao, nagkakamali, at nakakaranas ng mga paghihirap sa buhay. Ngunit, kapag ipinagsama mo sila, maghalo ka pa ng mga taong epal, ano ikalalabas? KAGULUHAN! O, ano, game ka? Tara, basahin kung ano ang mangyayari sa apat na ito, kung talaga bang may ikalalabas sa pagkakaibigan nila, o kung makakasira lang ba ito sa kanila. Sige, basa na!