Yay! Haha, bilis kong magupdate no? Hehe, wala kasing magawa sa bahay. Well dapat gumagawa ng assignment, pero nakakatamad eh…haha, sige basa na lang po! ^_^


Ika-1 Kabanata: SUNDAE

SERENA

Minsan, naaasar talaga ako dito kay Diana. Kung ano ano gustong gawin, kung ano ano ang trip. Naaasar ako tuwing ako ang pinagtritripan niya, pero mas nakakaasar tuwing ibang bagay ang trip niya – tapos napapahamak ako. Ilang beses na nangyari na, dahil sa mga ginagawa niya, kahit gaanong kaliit, pumupunta ito sa kung ano-anong bagay na drama, problema o kung ano man. At tuwing nangyayari ito, lagi niya akong sinasama sa bagay na ito.

Pero aaminin ko, minsan mabuti ang mga mga bagay na nadadamay ako dahil sa kanya...matagal nga lang bago naming nakikita ang kabutihan.

Tulad noong isang araw, habang second year college pa lang kami.

Yinaya niya akong gumala. Manood lang ng sine sa SM. Ang hectic kasi noon ng schedule namin, eh nakahanap siya ng opportunity na mag-bonding kami. Pumayag ako.

Umalis kami ng maaga para kokonte lang ang tao. Noong natapos na yung movie, nag decide kaming kumain sa Mcdo.

"Uy, may naalala ka ba sa mga pagkain natin ngayon?" tanong niya.

"Ha? Ano meron? Masarap ang sundae nila?" sagot ko. Parang feel ko talaga noong mag chocolate sundae…

"Ano ka ba?! 'bayan! Puro pagkain nasa isip mo! Daig mo pa ako ah" sagot niya. Ang talas talaga ng dila nitong babaeng ito.

"Ganun? Ge lang…o, ano ba yung sinasabi mo?"

"Wala…parang naalala ko lang noong high school pa tayo…yung Mcdo sa tapat ng munisipyo.." sabi niya.

Napatahimik ako. Naintindihan ko sinasabi niya.

Magkaklase na kami noong high school pa. Magkabarkada pa nga. Eh, noon, uso lagi ang gala, at ang laging pinupuntahan ay ang Mcdo na malapit lang…mga dalawang sakay lamang. Dito lagi nagkakaroon ng bonding…minsan, takas sa magulang tuwing suspended..date…basta! Maraming memories para sa amin ang Mcdo.

"'te…? Te, gising. Napapatulala ka nanaman. Alam mo ban a sabi nila, kapag ang babae napapatulala, buntis? May tinatago ka ba sa akin?" Wika niya.

Napamura ako. "Grabe ka!"

"Lupit ng pagmura natin ngayon ah…sabihin mo lang kung meron ka ngayon"

"Diana…" sabi ko ng seryoso. Sinubukan kong magmukhang nakakatakot ngunit napatawa lang siya sa akin.

"O bilis, mamaya ka na magpaka-sadako." Linabas niya ang kanyang wallet at kumuha ng P50. " Diba may pangako ako? Ano gusto mong sundae? Chocolate o caramel?"

Napabungisngis ako sa kanya at nawala ang aking galit.

"CHOCOLATE!"


"Ang saya ko!" Sabi ko mamaya-maya, habang naglalakad kami.

"bakit?" Tanong ni Diana.

"Sarap ng chocolate sundae eh" Sumubo ako ng ice cream. Pinanood ako ni Diana ng nakakunot ang mga kilay, ngunit nakangiti. Ganun talaga siya tuwing natutuwa sa sa ibang tao na nag-iisip bata.

"Mukha nga eh….Paborito mo talaga yan" Sabi niya habang sumubo ng fries.

"kasi! Ang sarap ng pagka-chocolate niya! Ito kaya lagi linilibre sa akin ni-" Napatigil ako ng salita. Lumaki ang mata ko dahil naalala ko yung taong na laging bumibili sa akin ng sundae.

Tumigil ng paglalakad si Diana at hinarangan ako. Ngumiti siya ng malaki at sinabi "Sino, Serena?"

Naramdaman kong namumula na aking mga pisngi "wala, wala.."

"Wala ka diyan! Alam na nating dalawa kung sino yun! Si-"

"Tumahimik ka"

"gusto mo sigaw ko?"

"Diana!" trip talaga nito ako! Nagsimula ulit ako maglakad ng mabilis. Tumakbo si Diana para habulin ako.

"Ay, sus. Nagtatampo ka na? Sorry na, pasensya ka na, pero ilang beses mo ng kinwento sa akin yun" Sabi niya. Tinatama niya mga daliri niya sa kanyang mga pisngi, ang lagi niyang ginagawa tuwing kinikilig siya sa love life ko.

"wala na yun…di na kami naguusap eh" Sagot ko.

"oh? Busy ba si Gino?" Napangiti ako ng konte ng marinig ang pangalang iyon. Gino Gatchalian. Ang huli kong crush noong high school pa kami. Ang best friend ko ng tatlong taon bago yun. Ang number one na inaasar sa akin ni Diana, dahil magkaklase naman kaming tatlo.

"Ewan ko dun. Ayaw ko din isipin..." Sagot ko habang sumubo ng maraming ice cream.

"bakit naman?" Tanong niya, habang inalok sa akin yung French fries niya.

Tinangap ko. "ayaw ko kasi tuwing ang taong malapit sa akin liniligawan ako…sayang kasi friendship eh…kaya ayaw ko din"

"Ah, nga naman…may point" Tumahimik siya ng konte, tapos "Wag kang mag-alala, kahit anong mangyari, hinding hindi kita liligawan ha?"

Kinurot ko siya ng malakas "Sira ka talaga!"

"Ako pa!" binuhos niya bigla yung French fries niya sa ice cream ko, at tumakbo. Hawak hawak pa rin ang sundae, hinabol ko siya.

"Bumalik ka dito Diana!"

"Wag na, nakakatamad!" Sinigaw din niya. Ang daming tumingin sa amin. Ngayon na naalala ko, nahihiya ako ngunit natatawa din ako sa amin. Isipin mo naman, dalawang studyante na college na, nagtatakbuhan ng parang bata sa mall?

Hinabol ko siya hangang sa lumiko siya sa kaliwa at nawala sa tingin ko. Noong lumiko na rin ako, hindi ko na siya makita. Naglakad ako ng konte, ngunit hindi ko siya mahanap.

Kinabahan ako…hindi dahil sa alam kong may pagka-wild at pasaway kaibigan ko. Hindi din dahil sa alam kong hindi niya kabisado ang mall at ang daan pauwi, na kung hindi ko na siya mahanap, baka maligaw siyang umuwi ng magisa.

Kinabahan ako dahil nasa kanya pera ko. Hindi ako makakauwi!

May narinig akong sigawan "Oy, anong problema mo? Taga ibang bansa ka ba? Kasi nakakaasar ka na ha!" nanlaki mata ko. Boses yun ni Diana! Ano nanamang ginawa niya?

Hinanap ko kung saan nangaling yung boses. Noong lumapit ako, nakita ko siya at isang lalaking magkaharap, at mukhang nagaaway. Basa ang harap ng suot ni Diana.

"Sorry ah, pero iba kasi ang alam ko. Yung mga babae dun, mababait, magkakumbaba" sabi ng lalaking nakaharap sa kanya. Nahalata ko kaagad na taga-ibang bansa. Maputi, at kulay brown ang buhok. Sa likod niya may isang lalaking masmaliit ng konte at mas maitim. Nakasuot ng polo at naka-slacks.

"Uy, Zeph, tama na yan…" sabi niya dun sa kaibigan niya. "Mag-sorry ka na"

"hindi wag, baka masmaganahan lang akong bugbugin siya" Sagot ni Diana, ngunit hindi umalis ang tingin niya dun sa kaaway niya. Nakasara ang palad na parang manununtok.

Sumingit na ako "Diana! Ano na yan?! Ano nangyari sa iyo te?" hinawakan ko siya sa kamay. Napatingin siya sa akin at binuksan ang palad.

"Ito…nabunggo ko..nagsorry naman ako kahit kung ako yung nabasa, eh ang sagot ay kung aayusin ko lang sana porma ko, baka hindi ko sana naipakita pagka-tanga ko" sabi niya ng nakatingin ng masama sa lalaki.

"Hayaan mo na yan…relax ka lang muna" sabi ko.

Yinayang ko siyang umalis na ng may nagsalita; "Se-Serena? Ikaw ba yan?"

Tumingin ako ng maige sa pinangalingan ng boses, yung kaibigan ng lalaki, yung naka-polo at slacks. Tinitigan ko yung mukha. Familiar siya sa akin. Kilala ko din yung boses. Saan ko nga ba ulit narinig yun?

Ng maisip ko na, naramdaman kong namumula mga pisngi ko na sinubukan kong ipigil. Nanlaki mata ko ulit. Naramdaman kong ngumingiti si Diana.

"…G-Gino?"

WAKAS (ng unang kabanata)


Nagkatagpo na muli sina Serena at Gino! Ano na ang mangyayari? Magkakausap ba sila, o ilangngan? Kaya ba ni Diana i-control sarili niya, o makikipag away lang ba sa lahat ng hinaharap? At sino ang kaibigan ni Gino na nabunggo (binunggo, nagkabungguan…basta yun yun) ni Diana? Ano ang kahalagan niya sa buhay nilang tatlo?

Abangan sa susunod…