Aking kalagaya'y hindi inisip,
Sarili lang ang pinapalagay,
Kahit napabayaan at nasaktan,
Ikaw pa ri'y pinapahalagahan.

Sa halip na ika'y iwan,
Ako ay natili sa tabi mo.
Sakaling ika'y mag-isa,
Kasi baka ika'y masaktan.

Kahit anong pasakit ang dinaranas,
Ito'y titiisin para sa iyo,
Para ikaw ay maging masaya,
Makita lang ang ngiti sa mukha mo.