Walang Iwanan

Mula noong kayo'y aking makilala
Ang buhay ko'y napuno ng ligaya
Di maipaliwanag ang nararamdamang tuwa
Tuwing kayo ay aking kasama

Kayo'y maituturing kong kayamanan
Sapagkat kayo'y mga tunay na kaibigan
Tuwing ako'y nalulungkot, lagi kayong nariyan
Upang ako'y bigyan ng kasiyahan

Ako'y nagpapasalamat ng lubos
Dahil binigay kayo sa akin ng Diyos
Tangi kong hiling sana'y 'di na matapos
Ang ating samahang sa pagtitiwala'y 'di kapos

Nawa'y tumagal pa ang ating pagkakaibigan
At lalong tumibay ang ating samahan
Ano mang problema, tayo'y magtutulungan
Kahit anong mangyari, pangako nati'y walang iwanan...