Kamusta (Okay Lang Ako)
by C. S. (aka battousai24, tehcheshirecat)

Kamusta ka na?
Ngayon lang tayo ulit nagkita
O, meron ka nang iba?
Bagay naman kayong dal'wa

Ba't mo naman natanong kung okay lang ako?
Huwag mo na ulitin at baka...
Ano ka ba, okay lang ako

Oo, okay lang ako,
Basta ba ikaw ang nagtanong
Kasi ang sinasabi ko sa iba
Ay "mahal ko pa 'rin siya"
At "sana ay kami pa 'rin, diba?"

Kamusta ka na?
Bakit bigla kang nagpakita?
Ah, sinaktan ka ba niya?
Nag-away nanaman kayong dal'wa

Ba't naman ako ang nilapitan mo?
Dahan-dahan ka at baka...
Ano ka ba, magbati na ulit kayo

Oo, magiging okay din kayo
Hindi ba't ganun 'din tayo noon
Tapos ang sinasabi mo sa iba
Ay "mahal ko pa 'rin siya"
At "sana ay kami pa 'rin, diba?"

Kamusta ka na?
Ngayon lang ulit tayo nagkita
O, sabi ko naman, diba?
Magbabati din kayong dal'wa

Ba't mo naman natanong kung okay lang ako?
Huwag mo na ulitin at baka...
Ano ka ba, okay lang ako

Oo, okay lang ako,
Basta ba ikaw ang nagtanong
Kasi ang sinasabi ko sa iba
Ay, "mahal ko pa 'rin siya"
At "tangina, sobrang sakit na talaga!"

Oo, okay lang ako,
Basta ba ikaw ang nagtanong
Kasi ang sinasabi ko sa iba
Ay "mahal ko pa 'rin siya"
At "sana ay may mahanap na 'kong iba"

Oo, okay lang ako
Oo, magiging okay din ako
At ang sasabihin ko sa iba
Ay "mahal na 'rin kita"
At "sana ay tayo nalang, diba?"

Oo, okay lang ako
Oo, okay na ako
Oo, okay lang ako
Ikaw,

Kamusta ka na?