Day 0: part 1


Jan. 3, 2011...

4:25pm

"haaah... haaah..."

Agaw hininga ko habang tumatakbo ako papunta sa iang eskinita malapit sa istasyon ng tren. Pinagmasdan ko ang aking mga palad, natulala ako sa aking nasaksihan.

"Nangyari... nanaman..." napaupo ako sa may tabi. Isinandal ko ang aking ulo sa may pader at napatitig sa kisame.

Lahat ng napapalapit sakin... ay namamatay. Walang exception, mapa-tao man, hayop, o yung nakilala ko kanina na nagsabing isa daw siyang 'reaper'. Lahat sila, namatay sa harapan ko... At ako ang may kasalanan ng lahat. Bakit!? Bakit ba nangyayari sakin to!? Anong nagawa ko para matanggap ang sumpang ito!?

Ilang minuto rin akong nakasandal sa pader, walang imik, di gumagalaw. Matapos kong huminahon, ay agad akong tumayo at pinagpag ang mga alikabok sa damit ko. Naglakad ako pauwi sa king bahay. Normal na sakin ang ganitong buhay. Ilang buhay na rin ang nakita kong lumipas sa aking harapan. Wala akong magawa, marahil ito talaga ang tinakda ng tadhana.

Kumaliwa ako sa susunod na kanto. Napansin kong may sumusunod sakin. Sino nanaman kaya ito? Gusto rin ba nitong mamatay?

Tumigil ako sa paglalakad, at dahan-dahang lumingon sa likod. Wala. Wala akong nakita, marahil nagtago siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ramdam ko parin na may sumusunod sakin. Agad akong lumingon muli.

"Sino yan!?" bigla kong sigaw.

Walang katao-tao sa lugar, walang ring umimik sa tanong ko.

"Tch..." Nagpatuloy ako sa paglalakad. Bawat hakbang ko, naririnig ko rin ang hakbang ng sumusunod sakin. Unti-unti kong binilisan ang aking paglakad. Hanggang sa dumating ang puntong tumatakbo na ako.

"Kailangan kong ilagaw to." Bulong ko sa aking sarili.

Nagpasikot-sikot ako sa mga maliliit na eskinita, paliku-liko kung saan-saan. Nang makarating sa isang kalye na may crossing, agad akong kumanan at nagtago sa may pader. Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Dinig na dinig ko ang mga yapak nang sumusunod sakin, unti-unting humina ang mga ito.

"Mukhang naligaw ko na siya." Bulong ko sa sarili at napahinga ng maluwag.

"makauwi na nga" Patuloy ko. At nagpatuloy ako sa paglalakad.

Pagkatalikod ko pabalik sa daanan ay—

"Ooof—"

May nabangga ako. Nakita ko ang isang babae, mahaba ang buhok, at may suot na salamin. Nakatitig siya sa akin, walang imik. Ano meron dito sa babaeng to!? Hindi kaya... Siya ang sumusunod sakin? ZOMG!? Stalker siya! May stalker ako!? Dafaq!? Wait, wait, masyado naman ata akong madrama. Oo, minsan lang mangyari to sa buhay ko, sinusundan ako ng isang babae. At...

Napatingin ako sa kanya.

...May may itsura rin siya, teka, ano ba sinasabi ko!? Lahat ng tao may itsura, ibig-kong sabihin eh... maganda siya... eh... TEKA!? Nawawala na ako. Delikado para sa babaeng ito ang makihalubilo sakin, baka mabiktima rin siya sa 'sumpa' ko. Ayaw ko ulit mangyari iyon. Tama na ang dalawa ngayong araw.

Una sa lahat, kelangan ko muna malaman ang pangalan niya,.. tapos cellphone number, tapos kung san siya nakatira,... eh ay... HINDI! MALIIII! Kelangan kong malaman kung anong business niya sakin. Oo, tama, yun yung tatanong ko.

"Ah... uhmm..." Panimula ko. Kaso... di ko na natapos ung mga sasabihin ko. Nawala lahat ng mga gusto kong sabihin.

Napatitig ako sa babae. Nagkatinginan kami ng ilang segundo. Sabay ngumiti lamang siya sa akin.

WAAAAH!? Lalo akong nataranta, ano gagawin ko!? Di ako magaling makipag-usap sa ibang tao, kadalasan kasi, kapag kinakausap ako ng ibang tao ay tinataboy ko lamang sila. Oo, yun nga! Itataboy ko nalang itong babaeng to.

Dahan-dahan kong ibinuka ang aking bibig at nagsalita.

"S-sino ka? Bakit mo ako sinusundan?" UWAAAHH! Bakit ko tinanong iyon!?

"ufufufufu..." tawa nung babae. Ewan ko lang, pero kakaiba talaga tawa niya.

"Sino ako?" sabi niya habang iniayos ang kanyang salamin.

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sakin, ako naman ay napaatras palayo.

"Isa akong... detective!" bigla niyang binanggit.

Tumigil ang oras.

.

.

.

"HAAAAH!?"

Baliw ba tong babaeng to!? Siya, detective!? Ewan ko dito, weirdo!

"Detective..? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Teka, di ko siya dapat kausapin, baka kung anong mangyari sa kanya.

"hmhmhmhm..." mahina niyang tawa. "Matagal na kita pinag-oobserbahan, alam ko ang lahat tungkol sayo." Turo niya sakin.

Lahat!? Wag mong sabihing... alam niya na ako ang dahilan ng mga aksidenteng pagkamatay ng mga tao dito sa syudad. Patay... ano gagawin niya? Irereport ba niya ako sa pulis?

"Pero wag kang mag-alala." Bigla niyang dugtong. "Di ko ito ipagsasabi kahit kanino." Tumalikod siya sakin at nagsimulang naglakad papalayo. Ilang habang pa lamang ay huminto siya.

"Marami pa akong dapat malaman..." bulong niya at nagpatuloy sa paglakad.

"Teka!" pigil ko sa kanya.

"A-anong... pangalan mo?" nagtataka kong tanong.

Lumingon siya sakin. Tinitigan niya ako sa mata, di ko Makita ang mga mata niya dahil sa reflection ng ilaw sa kanyang mga salamin.

"'S'" sabi nung babae. "Tawagin mo nalang akong 'S'"

"'S'?" pagtataka ko.

"'S' for... Selena." Ngiti niya at nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang nawala na siya sa paningin ko.