Friendzoned
"Guys, na-friendzone ako ni crush. Masaquette bh3. Huhu."
Alam kong pamilyar ito sa atin ngayon. Sa pakikipagkapwa, pakikisalamuha, at pakikipagkilala, ang madalas na hindi natin maiiwasan ay ang pakikipagkaibigan. Kahit ikaw pa ang pinaka-"loner" na tao sa buong mundo at ayaw mong makipag-usap, mayroon ka pa ring kaibigan, kahit isa lang, o dalawa. May taong palaging tatawanan ka kapag nadapa ka, o kung minsan pa ay kasama mo sa mga kalokohan. Minsan, aasarin ka pa hanggang sa maiyak ka na sa kakatawa. Sila ang nagpapatawa sa iyo sa araw-araw sa paaralan. Masaya magkaroon ng kaibigan. Kahit minsan nag-aaway, nagkakaroon ng mga "misunderstandings", o nagkakatampuhan, hindi iyon katumbas ng sayang naidudulot nila.
Pero minsan, mayroon ding mga... "cases" na hindi mapipigilan, lalo na kung iyon talaga ang kabog ng dibdib (wow!). Alam niyo ba ang "friendzoned"? Napaka-popular ng salitang iyan ngayong panahon. Na-friendzone si ganito, na-friendzone si ganyan, na-friendzone si ako, na-friendzone si ateng nakikita ko sa school araw-araw. Eh, kasi naman, bakit di pa aminin, ang hindi mo maamin? Kung iyon naman pala ang lulutas ng problem mo? Na-friendzone ka? Siguro kasi akala niya friendzoned mo rin siya. Ba't di mo i-try? Baka may chance ka pala, di mo lang kinuha. Ayan tuloy, kawawa ka.
Ang punto ko ngayon, ay hindi lahat ng na-f'friendzone ay walang pag-asa. Kahit sabihin ng iba na walang forever, dapat ay kunin natin bilang ehemplo ang ating mga lolo at lola, ang ating mga magulang, ang mga guro at kanilang mga katuwang, na hanggang ngayon ay magkasama pa rin. Wala lang forever sa henerasyon natin, pero kung kinaya nila, bakit di rin natin kakayanin? Ang kailangan lamang sa isang mabuting relasyon ay tiwala, pagmamahal, at pangangalaga sa katuwang mo. Kung hindi mo kakayanin na ibigay iyan, edi hindi ka karapat-dapat para sa kanya. Okay lang na maging seloso o selosa paminsan-minsan. Syempre, ito rin ang nagpapatunay na mahal mo talaga siya at ayaw mo siyang mawala. Pero wag possessive. Masasakal iyon. Magrerebelde. Worst case scenario, iiwanan ka. Kasi sakal na eh. Walang kayong forever.
Gawin mo lang, mahalin mo at sundin mo ang instincts mo. Natural na alam ng mga tao kung paano magmahal, kaya huwag mong sabihin na kaya hindi mo masabi ang nararamdaman mo ay dahil di mo alam kung paano. Lahat ng tao may inner romantic side (well, siguro), kaya palabasin mo. Takot kang masira friendship niyo? Bakit? Kapag ba nagsabi ka ng totoo, sira agad? Kahit na awkward ang magiging turingan niyo kung ni-reject ka niya, mapapanatag ka naman na at least, nasabi mo. Hindi ka manghihinayang, hindi mo sasabihin sa sarili mo na, "Bakit di ko sinabi dati? May feelings pala siya para sakin dati, ngayon, ayan tuloy, naka-move on na." Kung ni-reject ka, subukan mong mag-move on. O kung hindi mo kaya, mag-effort ka pa rin. Ligawan mo, suyuin mo, haranahin mo. O kaya, baka sinabi mo, "Bakit pa ako nag-confess? Awkward tuloy." With sad face pa iyan. Alam mo sagot? Gusto mo eh. Hindi lahat nang relasyon, nagsimula sa "M.U." Karamihan sa mga relasyon na nagtatagal ay nagsimula sa isang simpleng pagkakaibigan. Nasa iyo na kung gusto mong i-"take to the next level". Kung mahal mo, edi mahal mo. Period.
Lahat po nang aking sinabi ay hindi applicable sa mga batang 18 years and below, kasama na ako. Maraming salamat po.